MANILA, Philippines - Maliban sa regular hosting ni Toni Gonzaga sa ASAP ‘09 tuwing Linggo, sa Entertainment Live tuwing Sabado at sa upcoming na pagbabalik niya sa Bahay ni Kuya bilang isa sa mga hosts, napapanood na ngayon si Toni bilang si Flor sa Precious Hearts Romances Presents Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin kasama ang isa sa pinaka in-demand na leading men sa industriya ngayon, si Derek Ramsay.
Marami talaga ang nag-abang sa premiere ng bagong serye hindi lamang dahil sa light at nakakatawang istorya nito, sinusundan din ng mga manonood ang nakakakilig na tambalan nina Toni at Derek! Effortless ang dalawa sa kanilang epektibong pagbibigay-buhay sa kanilang mga karakter. Hindi rin maipagkakaila ang kanilang on screen chemistry kaya naman tuwang-tuwa ang lahat sa kanilang sweet moments at tinginan.
Komento ng isang manonood sa pinoyexchange.com (http://pinoyexchange.com), “Toni and Derek are the most surprising and intense loveteam of the year. Excited na kami sa mga love scenes! Sana pahabain n’yo naman itong teleserye at huwag n’yo munang alisin dahil sayang naman. Sana po ilipat na lang sa primetime.”
Sundan ang kanilang kuwento at abangan ang mga nakakakilig at lalong umiinit na mga eksena sa nangungunang afternoon romantic series sa ilalim ng direksiyon ni Wenn Deramas, palabas bago ang Katorse sa ABS-CBN. Bisitahin din ang official multiply website ng Precious Hearts Romances sa http://phrtv.multiply.com para sa eksklusibong mga photos at iba pang updates.
Starstruck contestant nag-storytelling sa medical mission
Ang dating Starstruck avenger na si Alvin Aragon ay naglaan ng panahon na makasama ang mga batang may espesyal na pangangailangan tulad nina Angelica Sagnip at Cliford Salvatiera. Nag-boluntaryo si Alvin para magbasa ng kwento (storytelling) mula sa libro ni Dr. Luis Gatmaitan na parte ng medical mission na Operation Blessing (OB) sa Nueva Ecija ng CBN Asia, producer ng The 700 Club Asia. Para malaman ang iba pang proyekto ng OB at kung paano magiging ka-partner ng misyon, tumawag sa 812-0581 at 812-0592 o tingnan ang www.obphil.com.