Hindi na biru-biro o kathang isip lamang ang pagkakaroon ng multo sa set ng Patient X na tinatampukan nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes. Nakita ko ang mga pictures na kinunan sa set at talagang nakunan na may nakasilip.
* * *
Dumating ng bansa ang producer ng album ni Nora Aunor sa US. Gusto nitong mai-release locally ang album kaya nakikipag-negotiate ito sa mga record companies at pumipili ng mamamahagi ng album sa bansa.
Sana lang, magkaayos sa negosasyon. Matagal nang hinihintay ang album hindi lamang ng mga Noranians kundi maging ang mga tagasubabay ng superstar sa bansa.
Miss na nila siya.
* * *
Naku naman, na-postpone lang ang concert ni Mareng Imelda Papin, ang dami nang negatibo ang lumalabas. Kesyo matumal daw ang bentahan ng tiket kaya inatras ang konsyerto.
Totoo naman kung sabagay. Pero aminin naman natin na kailan lamang siya dumating. Hindi sapat ang panahon para maipabatid sa lahat na mayroon siyang konsiyerto at may kasama siyang isang international singer, si Melissa Manchester.
Sikat ang makaka-back-to-back ni Imelda, hindi lamang ito isang Grammy awardee, marami rin itong napasikat na kanta.
Sayang naman kung hindi mabibigyan ng malaki at mahabang promosyon ang concert dahil dalawang icons ang magsasama.
Tapos dahil nga sa kakulangan ng panahon, hindi agad-agad makakapag-schedule sa TV. Talagang may problema sa scheduling kaya napagpasyahan ng Viva at ng 618 International na siyang magdadala dito ng show, na ipalabas to sa Christmas season, sa pareho ring venue na PICC at Waterfront Hotel. Kasya na ang panahong ito para mai-promote ang concert.