Issue kay Rufa Mae Quinto pinagtawanan
Nakipagtsikahan portion sa akin si Congressman Mikey Arroyo noong Martes sa Annabel’s Restaurant para ipaliwanag sa akin ang isyu tungkol sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Network.
Parang teacher si Mikey at parang estudyante ako habang nagpapaliwanag siya kung bakit tumalon sa milyun-milyong piso ang kanyang SALN na dating limang milyong piso ang halaga.
Mega-explain si Mikey habang ipinapakita sa akin ang mga dokumento na hawak niya na magpapatunay na inosente siya sa kasalanan na ibinibintang sa kanya.
Aaminin ko, wala akong masyadong naintindihan sa mga explanation ni Mikey dahil nakatitig ako sa halaga ng kanyang assets at nag-iisip kung paano ko ‘yon magegetlak.
* * *
Ang sey ni MIkey, lumobo ang assets niya dahil may properties din ang kanyang misis na si Angela Montenegro na richie-richie din.
Kasama raw sa kanyang SALN ang mga alahas ni Angela na naipundar nito at regalo mula sa mga magulang niya.
Siney ni Mikey na hindi siya nagyayabang pero galing din naman sa may-kaya na pamilya ang kanyang misis.
Richie-rich din naman si Mikey dahil mayaman ang mga angkan ng Macapagal, Arroyo, at Tuazon.
Nag-OPM si Mikey na mapapatunayan niya sa korte na wala siyang hidden-wealth at legal ang mga ari-arian nila ni Angela.
Naloka raw siya sa sunud-sunod na tanong ni Mareng Winnie Monsod kaya hindi siya masyadong nakasagot sa mga itinatanong sa kanya. Umagang-umaga raw ‘yon at halos kagigising pa lang niya.
Ikinuwento ni Mikey na nagulat siya nang makita niya sa studio ng Unang Hirit si Mareng Winnie dahil si Arnold Clavio lang ang alam niya na mag-iinterbyu sa kanya.
* * *
Pinagtatawanan lang ni Mikey ang tsismis na dyowa niya si Rufa Mae Quinto at engaged na sila.
Paano raw mangyayari ‘yon eh happily-married siya? Nag-artista na noon si Mikey. Sanay na sanay siya sa mga intriga kaya dinedma lang niya ang mga tsismis na nagli-link sa kanya sa ibang mga artistang babae.
Ngayon lang daw siya sumagot sa isyu na hindi pa tungkol sa showbiz dahil hindi raw totoo na nagkamal siya ng salapi habang nasa puwesto siya at ang kanyang nanay na si Ate Glo.
* * *
Naniwala ako sa sinabi ni Mikey na kuripot siya kaya imposibleng mangyari na niregaluhan niya ng bahay si Rufa Mae.
Hindi ko kinontra ang mga siney-sey ni Mikey dahil na-experience ko ang kanyang kakuriputan. Mga gift certificate ang inireregalo niya sa akin noon tuwing Pasko. Ang hirap-hirap niyang harbatan dahil marami siyang dahilan. Binata pa siya noon ha? Nadoble ang kakuriputan ni Mikey nang magkaroon siya ng asawa at mga anak.
* * *
Hindi tumagal ng dalawang oras ang pag-uusap namin ni Mikey dahil may lakad pa ako. Ayokong ma-miss ang presscon ng Yaya and Angelina nina Michael V. at Ogie Alcasid.
Nang maghiwalay kami, sinabi ni Mikey na hindi ‘yon ang aming huling pagkikita dahil makikipagkuwentuhan pa siya sa akin tungkol sa kanyang kaso. Mapapatunayan daw niya talaga na mali ang mga ibinibintang sa kanya.
- Latest