Lea Sa Citybest

MANILA, Philippines - Ang Citybest Chinese Restaurant ay sumusuporta sa gaganaping major concert ng international singer-theater actress na si Lea Salonga, ang Lea Salonga : Your Songs, sa Dec. 11 at 12, 8 p.m. sa PICC Plenary Hall. Makakasama ni Lea ang FilharmoniKa at ang kapatid na si Gerard Salonga bilang musical director. Si Bobby Garcia naman ang stage director. Ang repertoire ng konsiyerto ay mula sa mga tatanggaping suggestions at requests mula sa publiko hanggang Sept. 30 kapag nag-log on sa LEAyoursongs.com. Katabi ni Lea si Aileen Go, ang may-ari ng Citybest. Nag-abot din si Aileen ng gift pack ng Sisters Napkins, gawa ng MegaSoft Hygiene, Inc., na pag-aari rin ni Aileen at ng asawang si Emilio.

Show comments