Patrick Swayze pumanaw na

LOS ANGELES — Pumanaw na kahapon, dahil sa sakit na pancreatic cancer sa edad na 57 anyos, ang Hollywood actor na si Patrick Swayze na sumikat sa mga pelikulang Dirty Dancing at Ghost.

 Ayon sa publicist ng aktor na si Annett Wolf, katabi ni Patrick Swayze ang kanyang pamilya nang sumakabilang-buhay matapos makipaglaban sa kanyang sakit sa nagdaang 20 buwan.

Bagama’t dumaranas ng sakit na kanser, ipinagpatuloy ni Swayze ang pagtatrabaho. Huli niyang show ang The Beast.

Naunang sinabi ni Swayze na tumanggi siyang gumamit ng painkiller habang ginagawa niya ang The Beast sa telebisyon.

Sa Twitter, isinulat ng leading lady ni Swayze sa Ghost na si Demi Moore na marami ang nagmamahal sa aktor at mananatiling tatanglaw ang kanyang liwanag.

Tatlong beses naging Golden Globe nominee si Swayze na sumikat din sa kanyang papel bilang bad boy sa Dirty Dancing.

Show comments