Akihiro nagiging ordinaryo na

SEEN : Tinadtad ng kissing scene nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Dennis Trillo at Jennica Garcia ang ending ng Adik sa ’Yo.

Walang bago sa katapusan ng Adik sa ’Yo.

SCENE : Trying hard ang paghiga ni Vina Morales sa sahig sa song number niya sa ASAP ’09 kahapon.

Kulang na ang ningning ng career ni Vina.

SEEN : Ang L sign ng mga daliri nina Danny Javier at Jim Paredes ng APO Hiking Society habang kumakanta sila. Maaga ang kanilang pamumulitika.

Pinaka-OA at obvious ang L sign ni Danny.

SCENE : Si Gina Pareño ang pinaka-popular sa cast members ng Tayong Dalawa.

Ang pangalan ng kanyang karakter sa Tayong Dalawa ang isinisigaw ng mga fans.

SEEN : Mamayang gabi ang premiere telecast ng Stairway to Heaven at ito ang itatapat ng GMA 7 sa timeslot at huling sampung araw ng Tayong Dalawa.

SCENE : Hindi makapaniwala si KC Concepcion na meron na siyang sariling teleserye.

Excited na si KC sa pag-uumpisa ng Lovers in Paris.

SEEN : Tumataba si Akihiro Sato. Naging ordinary-looking na siya mula nang pumasok sa showbiz.

Hindi dapat pinagsasalita si Akihiro dahil mali-mali ang kanyang mga sinasabi.

SCENE : Ang rebelasyon ni Vilma Santos na “not together” na ang kanyang anak na si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Angel Locsin.

Ang rebelasyon ni Vilma ang kumpirmasyon na talagang hiwalay na sina Luis at Angel.

Show comments