Francis ramdam na gustong maging bise ni Noynoy

Seen : Noted ang sobrang pagtatanggol ni Senator Francis Pangilinan kay Senator Noynoy Aquino. Binibigyan ng malisya ang pagdepensa ni Kiko kay Noynoy. May mga naghihinala na nagpaparamdam si Kiko upang siya ang piliin ni Noynoy na maging running-mate. Hindi lingid sa lahat na may ambisyon si Kiko na kumandidatong Vice-President.

Scene : Hindi binanggit sa SNN ang mga pangalan ni Aljur Abrenica at ng ibang Kapuso male stars na kasali sa Cosmo Bachelor Bash. Hindi binanggit ang pangalan ni Gerald Anderson at ng ibang Kapamilya stars na pumarada sa Cosmo Bachelor Bash sa mga programa ng GMA 7. Buhay na buhay ang network war.

Seen : Nablangko si Ces Drilon sa kanyang newscast sa Bandila dahil mali ang nakasulat sa teleprompter na kanyang binabasa. Bayong at hindi bagyo ang sinabi ni Ces nang ibalita niya na kalalabas lamang sa Pilipinas ng bayong.... bagyong si Maring.

Scene : Ang La Diva ang kakanta ng Philippine National Anthem sa laban nina Manny Pacquiao at Manuel Cotto sa Las Vegas. Nabulilyaso ang show ng La Diva sa California noong April.

Seen : Si Batangas Governor Vilma Santos sa Mall of Asia noong Biyernes. First time ni Vilma na nagkaroon ng mall show para sa promo ng In My Life, ang pelikula niya sa Star Cinema.

Scene : Gumaganda ang mga eksena ng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN.

Seen :   Dapat alagaan ng direktor at cameraman ng Dahil May Isang Ikaw ang mga anggulo ni Karylle. May mga eksena na hindi maganda ang itsura ni Karylle.

Scene : Absent si Dennis Trillo sa cast party ng Adik Sa ’Yo. May trauma pa si Dennis sa trahedya na nangyari sa Boracay na ikinamatay ng kanyang kaibigan na si JB Borbajo.

Show comments