^

PSN Showbiz

Daddylicious Season 2 na

-

MANILA, Philippines - Simula na naman ng katakam-takam na Sabado ng umaga sa pagbabalik ni Chef Dad Niño Logarta sa ikalawang season ng Daddylicious ngayong Sabado, September 12, sa Q Channel 11!

Kilala sa paghahanda ng mga creative at attractive na pagkaing patok na patok sa mga bata, makakatulong ni Chef Dad Niño ngayong Season 2 ang mga cute na junior assistants niyang sina Miggy Jimenez at Yumi Loseo.

Nauna nang napanood ang parehong 12-year old na sina Miggy at Yumi sa summer cooking workshop ng Daddylicious Season 1, kaya naman siguradong masusubukan ang mga natutunan nila mula rito.

Sa unang dalawang episodes ng programa ay bibisitahin nina Chef Niño, Miggy at Yumi ang canteen ng Diliman Preparatory School. Magluluto sila ng mga bago at healthy snaks para sa mga grade school students tulad ng Cheese Taco Popcorn, Brocolli and Bacon Stuffed Baked Potatoes, at Mini Bacon and Chicken Cheese Burgers.

Ipapakita din nila kung paano gawin ang mga masasarap at easy-to-cook treats gaya ng Parmesan and Chive Potato Gratin, Salisbury Steak with Onion Gravy, at Tuna Salad Rolls na siguradong magpapagana sa mga batang kumain tuwing lunch break.

Abangan ang mga ito at iba pang kid-friendly dishes sa bagong season ng Daddylicious simula ngayong Sabado, 10:55 a.m, sa Q Channel 11.

BROCOLLI AND BACON STUFFED BAKED POTATOES

CHEESE TACO POPCORN

CHEF DAD

CHEF DAD NI

CHEF NI

DADDYLICIOUS

DADDYLICIOUS SEASON

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

Q CHANNEL

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with