Mukhang wala pa ring papalit sa grupo ng APO. Hataw pa rin sila sa concert scene samantalang 40 years na pala sila sa music industry. Sa September 25 and 26, mapapanood uli sina Jim Paredes, Danny Javier and Boboy Garovillo sa kanilang Apo Kayang-Kaya Pa sa Skydome sa SM North EDSA.
Actually, never naman silang nawala sa eksena. Kung minsan man ay wala sa bansa ang ka-miyembro nilang si Jim na naninirahan na sa Australia, hindi pa rin niya nalilimutan ang APO. Tuwing babalik siya ng bansa parati silang may trabaho.
Hindi nakakalimutan ng Pinoy na mahilig sa musika ang grupo. Sino ba kasing makakalimot sa mga kanta nilang Yakap Sa Dilim, Prinsesa, When I Met You, Tuyo Nang Damdamin, Salawikain, Pumapatak Ang Ulan, Panalangin, Nakapagtataka, Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba, Kaibigan, Kabilugan Ng Buwan, Ewan, Doobidoobidoo, Batang-Bata Ka Pa, Awit Ng Barkada, Di Na Natuto, at marami pang iba na na-revive na yata ng hindi mabilang na singer.
Bukod sa bonggang kantahan, may halong katatawanan ang Apo Kayang Kaya Pa sa intimate setting sa Skydome sa September 25 and 26..
* * *
Nuknukan pala ng sama ng ugali ng isang young actress kaya marami siyang nakakaaway na katrabaho. Mahilig daw kasing manira ang actress na ito. Ok pag kaharap mo, pero pag talikod, iba na ang sinasabi.
Ito raw ang rason kaya raw nakasira niya ang dating bestfriend. Nabuking daw ni bestfriend ang paninira ng aktres kaya nag-away sila.
May nakuwentuhan daw ang aktres tungkol sa bestfriend niya na personal na tsismis na nakarating dito (actress-bestfriend).
Kaya ang ending nabuking kaya ayun hanggang ngayon daw ay hindi nag-uusap ang dalawa.