Natatandaan n’yo ba ang dating aktres at beauty queen na si Mutya Crisostomo? Siya ang anak ni Tony Ferrer at Alice Crisostomo na nag-artista noon at naging member ng That’s Entertainment. Half-sister ni Mutya si Maricel Laxa.
Nag-asawa na si Mutya at sa Singapore ginanap ang kanyang kasal. Nalaman ko ito dahil si Lawrence Leuterio ang nag-make up sa kanya. Sosyal si Lawrence dahil lumipad ito sa Singapore ng libre!
Inihabilin sa akin ni Lawrence ang kanya anak na si Rap-Rap. Bumalik na siya mula sa Singapore pero hindi pa niya naikukuwento sa akin ang mga nangyari sa kasal ni Mutya.
* * *
Nakarating agad sa akin ang balita na nililigawan ni Kris Aquino si Dingdong Dantes para maging spokesperson ng kanyang Kuya Noynoy na kakandidatong pangulo ng Pilipinas sa 2010 elections.
Magpaligaw kaya si Dingdong? Pumayag kaya siya na ipangampanya ang kandidatura ni Noynoy kahit si Piolo Pascual ang choice ng Aquino family para gumanap na Ninoy Aquino sa binabalak na film-bio nito?
Kung si Piolo ang napipisil ng Aquino family para gumanap na Ninoy, paano naman si Dingdong? Siya naman kaya ang gaganap na Noynoy kapag nagkaroon ito ng film-bio?
Hindi ako ang nagtatanong ‘ha? Ako lang ang naging instrumento ng fans ni Dingdong para magtanong.
Ang fans din ni Dingdong ang nagsabi sa akin na malabong ipangampanya ni Piolo ang kandidatura ni Noynoy dahil bawal sa Star Magic talents ang mangampanya o maki-join sa mga usapin na may kinalaman sa pulitika.
Kaibigang matalik ni Kris si Popoy Caritativo, ang manager nina Dennis Trillo at Marian Rivera.
Knowing Popoy, papayag ito na ipangampanya nina Dennis at Marian si Noynoy, for the sake ng friendship nila ni Kris.
* * *
Sasaglit ako mamaya sa taping ng Celebrity Duets para magbigay ng moral support.
Kapag maagang natapos ang Startalk, tatawid ako sa Studio 5 ng GMA 7 para mag-cheer sa pagkanta nina J at M.
Nang mag-check ang aking spy, nalaman nito na wala pang pumapasok na boto ang dalawa kong paborito samantalang may mga boto na sina Gina Alajar, Akihiro Sato, at Nonito Donaire, Jr.
Hindi ako na-bother sa balita na narinig ko. Papayag ba ang dalawa na mangulelat sa text votes? Hindi ‘noh!
* * *
Hindi pa nag-a-announce ng candidacy si Atty. Adel Tamano pero nag-promise si Dra. Victoria Belo na susuportahan siya, kung sakaling ituloy niya ang plano na kumandidatong senador.
Nag-resign na si Papa Adel bilang legal counsel ni Mama Victoria. Malamang na isunod na rin niya ang pagbibitaw bilang pangulo ng Pamantasan ng Lunsod ng Maynila.
Pero huwag kayong magugulat kapag nakita ninyo ang mga billboard ni Papa Adel dahil siya ang latest endorser ng Belo Medical Clinic. Mula sa pagiging lawyer na naging endorser! Not bad di ba?