Sindie film fest na

MANILA, Philippines - Ang GMA Artist Center (GMAAC), kilala na ngayon bilang GMA Talent Development and Management Department sa ilalim ng bagong vice president na si Ida Ramos Henares, ay nagdaraos ng taunang independent film festival.

Kahapon, Setyembre 9, GMAAC’s Talent Development Unit sa ilalim ni Lou Gopez ay nagsimula ang festival ng mga indie films na siyang magiging okasyon para pagsamahin ang mga magagaling na talento na mula sa ginanap na mga workshops noong nakaraang summer. Ito ang pangatlong pagkakataon na gaganapin ng GMAAC ang indie film fest.

Pinamagatang 90909: Sindie III, ang Pagsisimula sa Indie Festival, ang week-long event ay sa pakikipagtulungan ng Robinsons MovieWorld na pagdarausan ng mga palabas.

Ang ilan sa mga pelikula ay mula sa Cinemalaya library, Sine Direk, at indie producers. Mapapanood ang Tribu (Jim Libiran), Jay (Francis Pasion), Musa (Dexter Cayanes), Manong (Arnold Argaño), 1017 (Zig Dulay), Bente (Mel Chionglo), Ded na si Lolo (Soxie Topacio), at ang premiere screenings ng Engkwentro (Pepe Diokno) at Kamada (Raymond Red). 

Sa Setyembre 13, ang mga ga-graduate na workshop participants ay mag­papalabas ng limang short films na kanilang pinaghirapang mabuo. Ito ay ang Carl, Limos, Katok, Lapis, at Windang.

Ang docu-drama na Barometer ay ipalalabas din sa Setyembre 13, 6:30-10 p.m. sa Cinema 2 ng Robinsons Movie World. Ang awards night at graduation rites ay sa gabi ring iyon. 

Show comments