Dumayong crew kay Mommy Dionisia nakaligtas sa lumubog na Super Ferry 9

Kasama ang production crew ng pelikula nina ex-president Joseph Estrada at AiAi delas Alas sa lumubog na Super Ferry 9 sa Zamboanga kahapon. May 20 na Star Cinema crew members ang reported na kasama sa nasabing barko. Pero as of yesterday afternoon, naibalita na ligtas ang lahat maliban sa isa.

Naka-dock na umano sa Zamboanga Port ang nasabing crew ng pelikula nina Erap at AiAi at kinailangan silang mag-undergo ng medical tests bago sila nagpunta sa Skypark Hotel. Galing ng General Santos ang mga crew members. Balitang dumayo ang staff and crew ng nasabing pelikula para kunan ang mga eksena ni Mommy Dionisia Pacquiao na may special appearance sa pelikulang may tentative title na Ang Tanging Ama Mo.

As of yesterday afternoon, lima pa lang ang confirmed na namatay sa lumubog na barko at 900 katao na ang na-rescue.

* * *

Kakaibang Aljur Abrenica ang makikita at mapapanood sa launching movie nila ni Kris Bernal na Nandito Ako… Nagma­mahal sa ’Yo.

“Sa pelikulang ito, isa na siyang ganap na aktor na lubusan ngang sinanay at hinubog ng premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes.

“Malayo na ang narating ng Starstruck hunk na ngayo’y isa nang ganap na toprater sa telebisyon at bida sa pelikula,” sabi ni Mother Lily Monteverde.

Sagot naman ni Aljur na isa sa pinarangalan bilang Cosmo’s Most Sexy Eligible Bachelor, “Ginawa ko po lahat ng makakaya ko, naghanda po ako sa role na ito, both internally at physically.”

As in kaiinggitan ang katawan ni Aljur dito at maraming matatakam na mga babes dahil napapayag siyang lumabas na naka-trunks.

“Maganda ang pelikula at ginawa po in good taste lahat ng eksena kaya maeengganyo po kayong panoorin,” pagmamalaki ni Aljur. “Meron din kaming mainit na kissing scene ni Kris Bernal dito na maganda ring lumabas.”

Mula sa panulat ng premyadong si Jake Tordesillas at kinunan sa napakagandang lalawigan ng Bohol, ang Nandito Ako, Nagmamahal sa ’Yo ay ipapalabas na sa Setyembre 30 at may premiere night sa Setyembre 27 sa SM Megamall.

Dagdag pa ni Aljur, “Ibinigay po namin lahat sa pelikulang ito kaya’t sana ay magustuhan at suportahan ng mga manonood.”

Show comments