DJ Mo nag-sorry sa biro kina Rufa Mae at Mikey

Tinalbugan ng eskandalosang love story nina Papa Chavit Singson at Che Tiongson ang mga isyu sa showbiz.

Sila ang laman ng mga showbiz talk shows, entertainment columns, at headlines ng mga diyaryo, mapa-tabloid o broadsheet. Hindi na sila maabot ha?

Pang-showbiz ang kuwento ng lovelife nina Papa Chavit at Che. May artista na involved kaya sinusubaybayan ito ng mga mahihilig sa eskandalo at intriga.

Waiting ang lahat sa paliwanag na gagawin ni Cogie Domingo dahil isa siya sa itinuturo na naging boyfriend ni Che. Baka mahirapan si Cogie na mag-deny dahil consistent si Papa Chavit sa kanyang dialogue na may mga ebidensya siya.

* * *

Tama lang ang ginawang paghingi ni DJ Mo Twister ng sorry kay Rufa Mae Quinto. Tama lang na inamin niya ang kanyang pagkakamali.

Nag-sorry kahapon si Mo kay Rufa Mae dahil sa isinulat niya sa kanyang Twitter na naniniwala siya na engaged si Rufa Mae kay Mikey Arroyo. Biro lamang daw ’yon. Naging iresponsable siya sa kanyang naging aksyon.

Nag-sorry din si Mo kay Mikey. Hindi sila magkakilala at kung na-offend man niya si Mikey, sorry daw. Na-afraid si Mo?

Mabuti na lang, nag-apologize si Mo or else...

Absent kahapon si Rufa Mae sa Showbiz Central. Obvious ba na imbyerna siya kay Mo kaya pinili niya na huwag umapir sa sariling show?

* * *

Dinumog kahapon ng mga fans ang red carpet pre­miere ng Stairway To Heaven. Nagpiyesta sila dahil nakita nila in person sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, ang iba pang cast ng Stairway to Hea­ven at ang mga artista ng Kapuso network na sumuporta sa bagong primetime show ng GMA 7.

Marami ang nagandahan sa unang episode ng Stairway to Heaven kaya hindi dapat intrigahin sina Rhian at Marian Rivera ‘noh! Tigilan na ang kat­sipan na ‘yan. Hindi sila dapat pag-awayin!

* * *

O ayan ha, mismong si Eugene Domingo na ang nagsabi na hindi sila dapat pagkumparahin ni AiAi delas Alas.

At para kay Eugene, si AiAi ang Comedy Queen dahil ito ang nagbukas ng daan para mag-shine ang mga comediennes.

Magkaibigan sina AiAi at Eugene. Hindi sila dapat pagsabungin. BF (as in best friend) nga ang tawagan nina AiAi at Eugene dahil talagang magkaibigan sila.

Ikinuwento ni Eugene na pinanood kaagad ni AiAi ang Kimmy Dora pagdating niya sa Maynila. Ilang araw na nag-stay si AiAi sa General Santos City dahil dito sila nag-shooting ng pelikula na ginagawa nila sa Star Cinema.

* * *

Sa wakas, napanood ko rin ang pagkanta ni Jolina Magdangal ng Philippine National Anthem sa laban nina Brian Viloria at Jesus Iribe sa Ha­waii. Kung hindi ko pa pinanood ang Showbiz Cen­tral kahapon, hindi ko masa-sight ang per­formance ni Jolina.

Hindi kasi ipinakita ang pag-sing ni Jolina sa Lupang Hinirang sa delayed telecast noong isang linggo kaya ang akala ko, hindi natuloy ang pag­punta niya sa Hawaii.

Show comments