Direk Carlo mas gusto ang jackpot na pinaghirapan

Katatapos lang ng first of five weeks nitong Biyer­nes ang ginaganap na screening para sa ikalimang batch ng StarStruck sa GMA Network Center. To run until Oct. 2, ang rough estimate na bilang ko sa mga mag-o-audition ay aabot sa siyam na daanglibo ng mga showbiz hopefuls ages between 16 and 23.

And you’re talking of Metro Manila auditions alone, ha! Ngayong araw din kasi, Sunday, ay simultaneous o sabay-sabay ang isinasagawang screening (na nagsimula kahapon) sa CSI Dagupan, SM Pampanga, at SM Cebu. A week thereafter ay babalik ang StarStruck staff para sa muling pag-i-screen sa SM Cebu.

Samantala, to further hype the country’s first artista search ay lalahok ang batches one to four ng StarStruck sa All Star K! The One Million-Peso Videoke Challenge.

Sino kaya sa kanila ang kakatayin ng hired killer na si Raymond Gutierrez?

* * *

Nasungkit kamakailan nang nag-iisang mananaya mula sa Alabang ang lotto jackpot na umabot sa nakalululang P150 million plus.

Lalo tuloy makaka-relate ang anonymous winner na ’yon sa pelikulang Pangarap Kong Jackpot Trilogy ng Golden Lion Films inspired by the PCSO in celebration of its 75th anniversary.

Pero kung ang direktor nitong si Carlo J. Caparas ang tatanungin, the term ‘‘jackpot’’ takes on a different perspective, let his track record speak for itself even if he’s caught in the eye of the firestorm, paglalarawan nga ng isang broadsheet.

Direk Carlo, as well as his wife Donna Villa, would rather dwell on success stories born out of one’s hard work and perseverance tulad din ng kanilang ipinuhunan.

Tampok sa trilogy ang Sa Ngalan ng Busabos starring Manny Pacquiao; Hawak Kita, Hawak Mo ’Ko ni Jake Cuenca; at Hiwaga ni Lolo Hugo ni Eddie Garcia.

Kulang ding sabihing literal na ‘‘family movie’’ ito dahil kasama ang dalawang anak ng ‘‘golden couple’’ na sina CJ at Peach.

* * *

Groove to the beat of tonight’s Shall We Dance? on TV 5 dahil sa joint at bonggang-bonggang birthday celebration nina Regine Tolentino at John Avila.

Maninindak daw sila sa kanilang mga indak as they share the dancing stage with host Lucy Torres-Gomez.

* * *

After two failed marriages, sigurista na si Aiko Melendez. While her two-year relationship with Bulacan Mayor Patrick Meneses is going great guns, hindi pa raw sumasagi sa kanya ang pagpapakasal muli.

‘‘I’m enjoying my single status. Besides, I learned my lessons, masyado kasi akong nagmadali noon,’’ sey ng nagbabalik-pelikulang aktres via Angelina and Yaya: The spoiled Brat Movie.

 

Show comments