Dating Unang Ginang nag-iwan ng pangaral
Bago pa nanungkulan si Pres. Fidel V. Ramos noong 1992 hanggang 1998 ay kilala na at nirerespeto ang kanyang ginang na si Amelita “Tita Ming” Ramos bilang guro at guidance counselor sa International School.
Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng QTV-11, ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga, ay panauhin si Tita Ming at isasalaysay niya ang kanyang buhay at mabubuting asal na natutuhan niya sa kanyang mga magulang. Magbibigay pa siya ng payo sa mga ginang na abala sa kani-kanilang karir kung paano mahahati ang panahon sa pamilya at sa trabaho.
May panawagan din sa programa para sa mga grumadweyt sa proyektong Isang Gunting Isang Suklay ng Filipino Hairdressers Cooperative na magdaraos ng ika-25 anibersaryo sa Setyembre 25.
Sa TESDA Success Story ay si Marjorie Ruperto na dating duwag at walang tiwala sa sarili ang itatampok ni Tito Buboy Syjuco. Matapos maging iskolar sa Tekbok ng TESDA ay naging trainor ang babaeng ito at ngayo’y may sarili na ring patahian.
Abangan naman sa susunod na Linggo ang bagong segment na Glitters na ihahatid ni Linabelle Ruth Ramos-Villarica na isang bantog na maybahay, negosyante at pilantropong nagpapala sa kanyang mga tauhan.
Ang programang tinatangkilik ng buong pamilyang Pinoy ay sa produksyon ng ScriptoVision na ang host ay ang nag-iisang Mother Ricky Reyes.
* * *
Humanga rin si Coun. Aiko Melendez sa galing ng Himig Ariel Scholars nang manood ito ng pagtatanghal sa Brgy. Old Balara kamakailan.
“Nagulat ako sa galing nila ha!” ang bulalas ng aktres-pulitiko pagkatapos ng tatlong oras na panonood.
Hinahangaan ang disiplinang taglay ng mga bata pagdating sa entablado.
Hanga rin ito kay Coun. Ariel Inton na siyang nakaisip magtatag ng ganoong klaseng proyekto.
“Ang paghubog ng mga talento ay hindi basta-basta.
“Hindi lang pera ang involve dito kundi pati tiyaga at panahon. Pinupuri ko si Coun. Ariel sa pagkatatag ng proyektong ito.”
Ang Himig Ariel Scholars ay palagiang nagtatanghal sa mga barangay para aliwin ang mga residente lalo na kapag may mahalagang proyekto.
* * *
Inspiring Stories Sa Kuwentong Talentado
Sa Talentadong Pinoy ng TV5, lahat ng klase ng Pinoy talent ay ipinapakita sa limelight. Pero hindi ba’t little is heard sa mga kuwento sa likod ng bawat hopeful na nag-audition para makasali sa show? Kaya ngayon, with the show’s success of being the no.1 Saturday program, nanganak na ang Talentadong Pinoy ng sarili nitong spin-off that aims to reveal stories na worth-telling para maka-inspire sa bawat talentadong Pilipino, entitled Kuwentong Talentado, na magsisimula na bukas Lunes, September 7.
Featuring never-before-seen footage of hundreds of aspiring contestants during the auditions, mga heartwarming na kuwento ng pakikipagsapalaran, most memorable and most talked-about moments tuwing taping, pati na rin tips mula sa mga Talent Scout at Hall of Famers, ang Kuwentong Talentado ang backstage pass ng mga viewers who would like to see and hear the stories and secrets behind the no. 1 talent show ng bayan.
“It’s both a support program for, and an independent show from, the original,” say ni Talentadong Pinoy host Ryan Agoncillo. Magsisilbing prelude ang show—isang backstory sa buhay ng mga contestant na magpe-perform sa following Talentadong Pinoy episode na umeere tuwing Sabado, pati na rin success stories ng previous Talentado winners, runners-up, at Hall of Famers.
Hindi rin naman nalilimita ang mga istorya sa mga performers na naglalaban-laban sa show, dahil featured din sa Kuwentong Talentado ang mga ordinaryong Pinoy na may exceptional talents, tulad ng mga karpintero, mekaniko, atbp., who also have their own interesting and inspiring stories na mase-share.
Sa Kuwentong Talentado, sa likod ng bawat success story ay isang talented individual who grabbed an opportunity, at sa likod ng bawat talento, ay isang kuwento ng inspirasyon that help turn their dreams into reality.
Panoorin at ma-inspire sa mga kahanga-hangang kuwento at talento ng mga Pinoy at kung paano nagreresulta sa tagumpay ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino sa Kuwentong Talentado, palabas tuwing Lunes, simula na sa September 7, 8:00PM on TV5.
* * *
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Rosalinda, ipapakilala na rito si Alex Durantes, isang binatang mayaman. Hindi sinasadyang makukunan niya ng litrato si Rosalinda (Carla Abellana), magagandahan siya rito. Pupuntahan niya ang babae pero hindi na niya ito maabutan.
Huhulihin ng mga pulis si Valeria (Sheryl Cruz) sa tangkang pagpatay kay Fedra (Katrina Halili) at kay Javier.
Sa bahay ni Miserias, makikita ni Rosalinda sa TV si Fernando Jose (Geoff Eigenmann)! Pupuntahan niya raw ang lalake.
Lasing si Fernando Jose sa condo nito nang madatnan ito ni Fedra. Aalalayan ni Fedra si Fernando Jose patungo sa kuwarto!
Mahuhuli si Rosalinda sa pagnanakaw sa isang condo unit. Sa kanyang pagtakas, makakapasok ito sa condo ni Fernando Jose. Mararamdaman din ni Fedra na parang may pumasok sa loob ng condo. Ipapahalughog niya ang buong unit sa guard baka may magnanakaw na nakapasok.
- Latest