Krista Ranillo bantay-sarado ng direktor na BF kay Pacman

Pitong taon na ang relasyon nina Krista Ranillo at Direk Dominic Zapata at isa sa dahilan kung bakit matatag ang kanilang relasyon ay naiintindihan nila ang trabaho sa showbiz. Walang selosan sa kanila kahit naging cover ng mens magazine ang seksing aktres.

Laging sumasama si Direk sa syuting ni Krista ng Wapacman ng Solar Films. Binabantayan kaya nito ang nobya?

Sagot ng aktres : “Hindi naman siguro dahil understanding naman si Direk. Idol kasi niya si Manny Pacquiao at enjoy siya laluna kapag magka-eksena kami.”

May mga fight scenes si Krista sa pelikula (na entry sa darating na Metro Manila Film Festival) at sumailalim pa ito ng fight routines at galing pa ng China ang fight instructor.

Excited na si Krista dahil for the first time ay sasakay siya ng karosa para sa Parade of Stars sa December 24. Nagsimula si Krista sa guesting ng Palibhasa Lalaki noong 16 years old pa lang at nabigyan ng malaking break sa Pieta sa ABS-CBN.

* * *

Excited na si Joel Cruz sa Celebrity Duets : Season 3 kung saan naging ka-partner nito si Arnell Ignacio kahapon. Naging magkaibigan ang dalawa dahil saludo ang komedyante sa kabaitan at kababaang loob ni Joel.

Lord of Scents ang bansag sa kanya kung saan ang malaking bentahe nito sa ibang kalaban ay ang pagtugtog ng piano. Naghahanda ito sa Celebrity Duets kung saan araw-araw ay nagbo-vocalize, may breathing exercise at nagpa-practice kumanta sa pamamagitan ng Magic Sing. Umiinom ito ng black coffee nang walang asukal at nag-e-spray pa ng lalamunan para makatulong sa pag-awit ng mabuti.

Five years na itong tumutulong sa kawanggawa at inaming kapag pinalad na manalo sa singing competition ay mapupunta lahat ng premyo sa sampung charitable organizations na matagal na niyang sinusuportahan. 

Bilang presidente at CEO ng Aficionado Germany Perfume, gusto nitong ibahagi ang tagumpay sa mga kapuspalad.

* * *

PERSONAL

Happy birthday kay Wilson Tieng, big boss ng Solar Entertainment. Sana’y bigyan siya ng mahabang buhay at magandang kalusugan.

Show comments