MANILA, Philippines - Excited na ang baguhang singer na si Myrus na bumulusok ang career pagpasok ng showbiz sa kanyang stint with Lea Salonga sa Echoes of Dreams Charity Concert sa Araneta Coliseum na inorganisa ng Center for Arts Foundation sa pakikipagtulungan sa iba pang mga non-government organizations para sa mga mayroong special needs katulad ng autistic, down syndrome, at mga biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa Big Dome sa November 30.
Si Myrus ang boses sa likod ng phenomenal success ng Sayang, ang revival na unang pinasikat ni Ms Claire dela Fuente. Bahagi ito ng kanyang album na pinamagatang Love Cycle Repackaged na inilabas ng Sony Music.
Alaga si Myrus ng Chris Cahilig Consultancy (with telephone numbers 706-3373, 3830171 and mobile number 0921-4446914.)