^

PSN Showbiz

Ogie umaming may pagkukulang sa mga anak kay Michelle

RATED A - Aster Amoyo -

Hindi pa naga-grant sa singer-comedian-com­poser na si Ogie Alcasid ang annulment ng kanyang ka­sal sa ex-wife niyang si Michelle van Eimeren ka­hit maraming taon na silang hiwalay at may kani-kanya na silang karelasyon.

Kahit may mga kumakalat na balita na secretly married na umano sina Ogie at Regine Velasquez, ito’y personal na pinabulaanan sa presscon ng upco­ming movie nila ni Michael V. sa ilalim ng GMA Films at APT Entertainment, ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie na malapit nang matunghayan sa mga sinehan.

Paano kung mabuntis si Regine bago pa man sila ikasal ni Ogie?

“Whatever comes first,” simpleng sagot ni Ogie. “Siyempre, may hinahabol din namang biological clock si Regine. She’s 39 and I’m 42.”

Although hindi ibinigay sa amin ni Ogie ang eksak­tong araw ng kasal ng kanyang ex-wife na si Michelle kay Mark Murrow sa darating na Nobyembre, dadalo sila ni Regine dahil miss na rin niya ang dalawang anak kay Michelle na sina Leila (turning 12 in October) at si Sarah (7).

Strange mang maituturing, very close sina Michelle at Regine at magkaibigan din sina Ogie at bagong ma­pa­pangasawa ni Michelle na si Mark. Hindi rin uma­bot na siraan sina Ogie at Michelle noong sila’y magkahiwalay.

Hindi rin alam ng marami na sa tuwing dumadalaw si Ogie sa kanyang mga anak sa Australia ay kasa-ka­sa­ma niya si Regine na tanggap na rin ng mga anak niya. Walang isyu sa pagitan nina Michelle at Regine at sa pagitan ng mga anak nila ni Michelle.

 “May pagkukulang din ako sa mga anak ko dahil hin­di ko sila kasama and I’m glad na nariyan si Mark na tumatayong pangalawang ama ng mga bata pero hindi naman ito nangangahulugan na wala na kaming communication.

“Kahit kami ni Michelle ay regular pa rin ang aming communication dahil na rin siyempre sa mga anak namin at hindi na puwedeng mawala yun. We’re very good friends ni Michelle up to this time. Ang nawala lang naman sa amin ay ang relasyon namin bilang mag-asawa.

“Ang nakaka-guilty lang ay kung wala ako sa mga spe­cial occasions ng mga anak ko tulad ng birthdays or special occasions sa school nila dahil na rin sa schedule ko. Pero kapag nagagawan ko ng paraan, I really make it a point na naroon ako at kasama ko sila sa mga mahahalagang araw nila,” mahabang paliwanag ng BF ni Regine.

* * *

Sina Ogie Alcasid at Michael V. ay parehong pro­dukto ng OctoArts na pinamumunuan ni Orly Ilacad. Although sa Viva Records unang nag-record ng isang single, Peksman si Ogie, sa bakuran ng OctoArts siya lumaki bilang recording artist and even­tually bilang comedian. Majority ng mga hit songs ni Ogie ay sa OctoArts niya ni-record at kung hindi kami nagkakamali, mga sampung hit albums ang kanyang nagawa sa record outfit ng mga Ilacad.

Si Michael V. naman, timing ang pagpasok sa in­dus­triya dahil nagkataon na sikat na sikat noon si Andrew E. ng Viva Records at naghahanap noon ang OctoArts ng isang rap artist na itatapat. Nang ma­panood ni Boss Orly si Michael V. sa Eat Bulaga, ipi­natawag niya ang rapper sa kanyang tanggapan.

Kung ang Humanap Ka ng Panget ang signature hit noon ni Andrew E., si Michael V. naman ay Maganda ang Piliin ang first hit song. Maraming taon ang nag­daan at napunta na rin sa comedy ang rapper na si Michael V.

Hanggang ngayon ay solid pa rin ang samahan nina Ogie at Michael V. lalo’t na­riyan pa rin ang kani­lang dalawang tambalan sa telebisyon, ang top-rating at longest-running gag show na Bubble Gang at ang kakaibang game show na Hole in the Wall, ang da­lawang sikat na karakter nila na Yaya at Angelina ang ginawang mga hosts. At dahil sa kasikatan ng mag-yaya, pangunahing karakter na rin sila ngayon sa pina­ka­­bagong offering ng GMA Films at APT Enter­tain­ment, ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie.

Ang nakakatuwa pa rito ang estranged couple na Aiko Melendez at Jomari Yllana ang gumaganap na mga magulang ni Angelina (Ogie) sa pelikula. Tampok din sa nakakaaliw na pelikula sina Iza Calzado, Leo Martinez, Roxanne Guinoo, Sheena Halili, Victor Aliwalas, Pekto Nacua at John Feir.

Ang pelikula ay matutunghayan na sa Sept. 23.

ANDREW E

MICHAEL V

MICHELLE

OGIE

REGINE

RIN

SHY

SPOILED BRAT MOVIE

VIVA RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with