BF ni Ara apektado ng intriga kay Pacman

Gusto sanang gawan ng isyu si Carla Abellana kay Aljur Abrenica nang minsan ay sabihin ng ba­gong bituin na ideal ang ka-loveteam ni Kris Bernal na ma-feature sa centerfold ng isang magazine.

Nangyari na kasi ito, naka-feature nga si Aljur sa latest issue ng magasin together with some of enter­tainment’s hunks.

Pero obviously, like lang ni Carla si Aljur dahil inabsuwelto niya ang sarili sa anumang romantic link with Aljur by saying na para lang silang magkapatid nito. In fact, panay daw ang pamumupo nito sa kanya. Nababaitan din daw siya sa young actor nang magkasabay sila sa workshop noon.

* * *

Unfair kay Ara Mina yung muling pagli-link sa kanila ni Manny Pacquiao. Unang-una na, mayroon siyang boyfriend at talagang wala siya sa lugar na sinasabing pinagkakitaan sa kanila ng boksingero.

Oo nga naman, dead isyu na ito bakit nire-revive pa? Gawing chickboy si Manny. Is this a movie para gawing chickboy si Manny? Mabuti na lang at hindi ito pinapatulan ng asawa niyang si Jinkee kundi magugulo na naman si Ara.

* * *

Marami na ang excited na mapanood ang adap­tation ng GMA7 ng Koreanovela na Stairway to Hea­ven. In fairness, nakakita ako ng chemistry between Dingdong Dantes and Rhian Ramos. Sa isang eksena nila na nakita ko, pansamantalang nawala si Marian Rivera sa isip ko.

Dapat lamang naman na ganito rin ang maram­daman ng marami sa bagong tambalan nina Dong at Rhian.

Kundi hindi, hindi siya makaka-move on sa kan­yang career. Si Marian kasi natanggap na ng manonood na wala siya. Dapat ganundin siya.

Show comments