Seen : Tinatalo ng Katorse sa ratings ang All My Life ng GMA 7.
Scene : Tinalikuran ni Senator Mar Roxas ang kanyang presidential bid dahil sinabi sa kanya ni Senator Noynoy Aquino ang kagustuhan nito na kumandidatong pangulo sa 2010 elections. Nagpunta sa retreat si Senator Noynoy upang magdasal at makapagdesisyon ng tama.
May butas ang script. Nauna muna dapat ang pagre-retreat bago ang announcement ni Senator Mar na hindi na ito lalahok sa presidential race.
Seen : Dating empleyado ng ABS-CBN ang clue sa katauhan ng lalake na nahuli ni Chavit Singson na kasama ng kanyang live-in partner na si Che Tiongson. Inireklamo ni Che ng pananakit si Singson. Ibinulgar ni Singson na niloko na siya noon ni Che dahil nakipagrelasyon ito kay Cogie Domingo.
Scene : Ang panawagan sa BIR na imbestigahan si Rufa Mae Quinto dahil sa P30 M house sa San Francisco, California na birthday gift ng kanyang boyfriend na pulitiko.
Seen : Si Dionisia Pacquiao ang sinadya sa Gen. Santos ng mga artista at crew ng pelikula nina AiAi delas Alas at Joseph Estrada dahil sa kanyang panata na hindi siya luluwas ng Maynila hanggang sa katapusan ng buwan.
Scene : Nasaktan ang fans ni Sharon Cuneta sa sinabi ni Korina Sanchez na “bumming around” lamang si Senator Kiko Pangilinan sa UP hanggang bigyan niya ng break sa telebisyon.
Seen : Magkamukha na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Mistulang anak ni Regine si Ogie sa Angelina character nito.
Scene : Si Manny Pacquiao ang bagong endorser ng Head & Shoulders Shampoo.