MANILA, Philippines - Mas pinadali pa ng GMA Records at Home Video ang pagluluto ng mga masasarap at easy-to-prepare meals sa pamamagitan ng Chef Mom Rosebud’s Quickfire – 10-minute Kitchen Wonders, isang compilation ng mga araw-araw na putahe mula mismo sa kusina ng Quickfire ng Q Channel 11.
Kasama si Chef Rosebud Benitez, alamin kung paano gumawa ng mga gourmet meals tulad ng Must-Try Pad Thai, Morrocan Chicken Couscous, Hassle-free Cashew Prawns, Asian Noodle Sensation, at Maya-maya with Lemon Butter Sauce sa loob lamang ng 10 minuto.
May kasama pang free recipe booklet ang DVD kaya mas lalong ginawang convenient ang paglista ng mga sangkap at pagsunod sa cooking pointers mula sa resident chef na si Chef Rosebud.
Ang Chef Mom Rosebud’s Quickfire – 10-minute Kitchen Wonders ay ni-release ng GMA Records and Home Video at mula sa Ajinomoto, now celebrating 100 years of Umami goodness.
Mabibili ito sa iba’t ibang SM Record Bars, Odyssey, Astroplus at Astrovision outlets sa buong bansa.