Eugene hinusgahan na!

Now a year celebrity in her own right, isa si Jinkee Pacquiao sa mga nanood ng Power Boys concert nina Sam Milby at Richard Poon sa Metrobar nitong Sabado.

But more than the undoubted success ng show na ipinrodyus ng kaibigang Jobert Sucaldito, lumutang ang nakakatawang kuwento tungkol sa maybahay ni Pacman.

Tsika ito ng isang kaibigan : ‘‘Uy, Jinkee, makatikim man lang ako sa ’yo ng grasya. Si Manny, ilang beses na akong pinaliligaya, sana ikaw din.’’

Nakuha raw biruin ng reporter si Jinkee dahil nasa mood naman daw ito.

“At saka ang yaman-yaman na niya, ’no!’’ pagdya-justify pa ng kaibigan ko sa ginagawa niyang panghaharbat.

Sumilay ang ngiti sa mukha ng friend nung sumenyas si Jinkee, hudyat daw ’yon na magwawagi siya at hindi uuwing luhaan. Maya-maya, nasa aktong bubunot na sana si Jinkee ng datung mula sa kanyang bag nang mapansin nitong kinukuyog na siya ng maraming nasa nasabing lugar.

‘‘Imagine, dudukot na sana si Jinkee ng datung, pero nung ma-sight niya na marami kami, ’Day, bigla niyang isinara ang bag niya, sabay senyas sa akin na mamaya na lang daw,’’ tsika pa ng kaibigan ko.

Dumating nga ba ang ‘‘mamaya’’ tulad ng ipinangako ni Jinkee?Day, hindi ko siya nilubayan… panalo!’’

* * *

Hindi ako masyadong pamilyar sa mga kategorya ng kauna-unahang Star Awards for Music na inilunsad ng Philippine Movie Press Club, pero pinapurihan ko ang kasalukuyang liderato sa paglo-launch nito ng naturang parangal. Two terms pa pala ago naisip ang proyektong ito, sa ilalim nga lang ng pamunuan ng kaibigang Roldan Castro ito nagkaroon ng katuparan.

With an ear for music and eye for talent, nagtataka lang ako kung bakit inisnab ang baguhang singer na si Josh Santana in any of the categories kung saan pasok siya sa banga. Saksi kasi ako nang i-launch ang singing career ni Josh at ang kanyang album, and in all sincerity, I bet my two cents’ worth sa husay ni Josh na meron ding revival ng mga Spanish songs (Eres Tu at Historia de un Amor).

Mapa-Tagalog at Ingles ding kanta, Josh is more than a revelation to me. Higit pa akong pinahanga ni Josh sa kanyang matatas na pag-i-Ingles, no wonder, he finished AB English.

But his oral proficiency set aside, nagiging question is : Why was he snubbed? Bakit ni nomi­nation man lang ay hindi siya ginawaran? Por que, los miembro de PMPC?

* * *

Ano kaya ang naging hatol sa launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme), kabilang din ang mga producers nito sa pangunguna ni Piolo Pascual?

Sincerely, I’d like to see Spring Films launch its way to the bank. Having seen the movie, isa itong must-see sa audience na sawang-sawa na sa mga walang kawawaang comedy flicks na nakakainsulto sa ating talino.

Show comments