They used to be known as the Small Brothers, sila ni Janno Gibbs. Dinudumog sila sa kanilang mga konsiyerto pero, matagal na ito. For a while now ay sila naman ni Michael V. ang madalas magka-tandem sa TV at ngayon ay sa pelikula.
“Yung tandem namin ni Janno was more sa music. Sa movies, minsan lang kaming nagkasama, si Andrew E pa ang bida. Kami ni Bitoy, eversince Tropang Trumpo kami na,” sabi ni Ogie Alcasid who’s again playing a girl role in Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie for APT Entertainment.
“Last ko na ito na mag-play ng babae. I should look for other roles. Baka nga maging bakla na ako.
“Once nanood kami ni Regine ng sine, ang bida si Robert Downey, Jr. Sabi ko ang guwapo-guwapo naman ni Robert, sabi niya dapat daw hindi ako nagsasalita ng ganun. Takot siguro siya na baka mapagkamalan nga akong bakla,” kuwento niya.
To promote Yaya and Angelina : The Spoiled Brat Movie, nag-celebrate ng kanyang 7th birthday si Angelina sa isang restaurant, complete with balloons, cake, games, prizes galore, and giveaways. Guests niya ang napakaraming movie press who were delighted to share sa happiness of the screen’s popular brat. Kasama niya to welcome her guests were her parents played by Aiko Melendez and Jomari Yllana, plus her yaya Angelina (Michael V.)
When someone asked if Angelina was a special child, sinabi ni Ogie na isang normal seven year old ito, healthy, yun nga lang, napaka-bratty.
Sa movie malalaman kung paano nag-meet sina Angelina at yaya. Ano nga ba ang buong pangalan ni yaya?
At kung sa Bubble Gang at Hole in the Wall ay napaka-maunawain ni yaya kay Angelina, sa movie mari-reach ni Angelina ang melting point ng kanyang governess na magtutulak para siya layasan nito.
Kahit spoiled brat at maldita si Angelina, malulungkot ito sa pagkawala ni yaya. At sa panahon ng kanyang pag-iisa matutuklasan niya ang isang assassination plot para kay Duchess of Wellington na nakatakdang bumisita sa kanyang school. Kaya siya ay makikidnap.
Ano ang gagawin nila ni yaya para mapigil ang pagpatay sa Duchess? Mapatawad kaya si Angelina ni Yaya? Mapapanood na sa September 23.
* * *
Binigyan pala ng Cinema Evaluation Board ng A ang launching movie na Kimmy Dora ni Eugene Domingo. Para sa nakapanood ng pelikula na tulad ko, hindi na ito nakapagtataka. Magandang nagawa ni Bb. Joyce Bernal ang movie, napaarte niya ng mahusay ang lahat ng kanyang mga artista.
Piolo Pascual and his Spring Films friends who produced the film should rejoice if only for the fact na na-appreciate ng CEB ang artistry ng pelikula.
Mas magiging masaya pa sila kung pati sa box-office ay magwagi din ang movie.
* * *
Mabuti na lang at may pinagkakaabalahang movie si Carlo J. Caparas, ang Pangarap Kong Jackpot Trilogy, hindi na masyadong matutuon ang pansin niya sa gulong nilikha ng pagkakapili sa kanya bilang National Artist.
Carlo makes a directorial comeback sa nasabing movie na nagtatampok sa boxing champion na si Manny Pacquiao. Kasama rin ang ilang maningning na pangalan sa larangan ng pelikula, tulad nina Eddie Garcia, Gina Pareño, Tommy Abuel, Joel Torre, Pen Medina, Jake Cuenca, Mark Herras, Baron Geisler, Megan Young at ang dalawang Caparas children na sina CJ at Peach.
Kasama si Manny sa episode na Sa Ngalan ng Busabos bilang Abel na lumaki sa lansangan who was forced to a life of crime. Gusto niyang makawala sa buhay na ito lalo na nang ampunin ng pamilyang itinuring siyang kapamilya.
Ang ikalawang episode ay ang Hiwaga ni Lolo Hugo, tungkol sa isang tagapangalaga ng isang bahay na hinihinalang pinagkakanlungan ng masasamang espiritu. Tampok si Eddie Garcia.
Ang ikatlo ay ang Hawak Kita, Hawak Mo Ko, tungkol naman sa dalawang kabataan na nagkita nang kapwa nila gustong wakasan ang kanilang mga buhay. Sina Jake at Megan ang star sa episode na ito.
Ang Pangarap Kong Jackpot Trilogy ay bahagi ng PCSO 75th anniversary.