Matapos siyang makipagbati kay Angelica Panganiban na sinasabing nakasamaan niya ng loob at isa sa mga naging dahilan para hangarin niyang iwan ang ABS-CBN at balikan ang GMA 7, nakipag-ayos na rin si Cristine Reyes sa mga kasamahan niya sa Banana Split, most notably, sina Pokwang at RR Enriquez. Hindi naman nila siya pinahirapan, they were more than glad to see her back, and let bygones be bygone na agad nagbigay ng peace sa aktres.
Wala pang katiyakan kung ibabalik si Cristine sa Banana Split.
Maraming oras niya ang kinakain ng trabaho pero, happy siya dahil iba ito sa mga nagawa na niya.
Besides, mayroon siyang Your Song Presents na tinatrabaho linggu-linggo. Kasali pa rin siya sa pelikulang Patient X with a formidable cast.