^

PSN Showbiz

14 years old lang, Josh may hypertension na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagkabati na si Paolo Contis at ang kanyang madir na si Jean. Hindi ko pa nakakausap si Paolo kaya hindi ko pa alam ang puno’t dulo ng kuwento ng pagkakasundo nila ng kanyang mother dear.

Nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina nang makipagrelasyon si Paolo kay Lian Paz. Tinanggap na kaya ni Mommy Jean si Lian kaya bati na sila ng kanyang bunso?

Walang magulang na nakakatiis sa kanilang mga anak. Miss na miss na ni Paolo ang nanay niya. Dapat mag-treat si Paolo. Kailangang magkaroon ng celeb­ration ang pagbabati nila ni Mommy Jean. I’m happy for them. Happy for them daw o!

* * *

Nami-miss na si Jose Manalo ng viewers ng Eat Bulaga. Nagtatanong na sila kung kailan babalik si Jose sa No. 1 noontime show?

Dahil missing in action si Jose sa Eat Bulaga, inaabangan nila tuwing Miyerkules ang Wow Hayop sa GMA 7 dahil dito nila napapanood ang kanilang favorite comedian.

Siyempre, ang kanyang buddy-buddy na si Wally Bayola ang ka-partner ni Jose na hindi naman totally jobless dahil regular pa rin ang kanyang appearance sa Wow Hayop. So, sa mga nakaka-miss kay Jose, watch n’yo siya mamaya sa Wow Hayop.

* * *

Hindi ako nagulat nang sabihin ni Kris Aquino sa SNN na dadalhin niya ang anak na si Josh sa cardiologist dahil tumataas ang dugo ng bagets.

Dapat mag-diet si Joshua dahil overweight siya. Fourteen years old pa lang siya pero may hypertension na.

* * *

Kontrobersiyal na naman si Mikey Arroyo dahil sa pagkakaroon niya ng mga bahay sa Amerika.

Kayo na ang maging presidential son! Aligaga si Mikey sa pagde-deny tungkol sa kanyang hidden wealth na kinakalkal ngayon ng media.

Can afford naman si Mikey na makabili ng mga ari-arian sa ibang bansa dahil galing siya sa maya­mang pamilya pero dapat niyang tanggapin na parte ‘yon ng kanyang pagiging presidential son.

At least, mahinahon na ngayon si Mikey sa pagpapaliwanag. Hindi katulad noong araw na minura niya si Jopay Mañago ng Startalk dahil hindi niya nagustuhan ang tanong sa kanya.

Nagalit talaga ako noon kay Mikey dahil minura niya ang isang babae na halos nanay na niya at ang the height, nagmura siya sa loob ng simbahan.

Nag-sorry na si Mikey sa ginawa niya kay Jopay pero hindi ko malimutan ang insidente kesehodang binigyan niya ako ng 100 dollars nang magkita kami noon sa Las Vegas. Barya lang ang US$100 kumpara sa properties niya sa Amerika ‘no!

vuukle comment

AMERIKA

DAHIL

DAPAT

EAT BULAGA

JOPAY MA

MIKEY

MOMMY JEAN

NIYA

WOW HAYOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with