Masyado namang giveaway yung naging tanungan portion nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa birthday special ng aktor na ginawa ng GMA 7 at napanood noong Linggo ng gabi sa TV.
Paano ba naman, masyadong personal ang mga tanong ni Marian kay Dingdong na parang nagbibigay na sila ng info tungkol sa kanilang relasyon.
Kung fans kayo ng dalawa, you should rejoice, hindi lang magkaibigan at magka-partner sa trabaho ang dalawa. At gusto kong papurihan ang GMA 7 dahil inilagay nila sa risk ang tambalan ng dalawa by putting them into separate projects, si Marian sa Darna ka-partner si Mark Anthony Fernandez, at si Dingdong sa Stairway to Heaven, Rhian Ramos. Sa magkahiwalay nilang proyekto, mas nami-miss nila ang isa’t isa na lalong nagpapatindi lamang ng kanilang love for each other.
* * *
Sa kabuuan, maganda ang birthday special na Dantes Peak. It showcased Dingdong as an artist, his many talents (in dancing, singing, acting, recording, modeling, at product endorsement) at talagang ipinakita niya why he is entertainment’s sexiest man. At totoong fan pala siya ng Superman na ang unang gumanap ay si Christopher Reeve na talaga ngang lookalike niya.
Maganda at mahal ang production, kita ito sa mga numerong iprinisinta, mga naging bisita niya. Wala yatang Kapuso star na absent sa TV special, lahat sila nakiisa, nakisama para maging maganda ang palabas ng paboritong leading man ng home network.
Huwag sanang agad hanapan sila ng chemistry ni Rhian sa kanilang serye, darating ito. Bigyan n’yo sila ng mga isang linggo. Sa TV special pa lamang meron nang nababanaag pero dahil napaka-romantikong istorya ang Stairway to Heaven kung kaya the viewers will expect more than chemistry.
Kaya kayang ibigay ng bagong magkapareha ang requirement ng kanilang mga roles?
* * *
Napakabait pala ng napangasawa ni Klaudia Koronel, bukod pa sa napakayaman din daw nito. Aba, talagang ang swerte ng tao, ’di mo matatarok, sino ang mag-aakala na ito ang kahihinatnan ng buhay ng isang dating sexy star?
Pero kay Klaudia rin naman nagmula ang pagbabago. Ngayon, hindi na siya kahiya-hiya sa kanyang naging asawa. Mas kapuri-puri pa nga ang kanyang ginawa na tinapos ang kanyang pag-aaral para maiangat ang kanyang sarili.
Sinabi kong mabait ang kanyang napangasawa dahil niyakap nito maging ang relihiyon ni Klaudia at dito siya pinakasalan na namalas ng lahat ng nakakakilala sa kanya bilang alagad ng sining at bilang isang tao.
Mabait din ito dahil pumapayag siyang ipagpatuloy ni Klaudia ang kanyang pag-aartista pero si Klaudia mismo ang tumatanggi dahil gusto na niyang maging isang asawa, at in the future, maging ina ng mga anak nito.
Hinahangad ko ang kaligayahan nila.