ABS-CBN broadcast journalists namamayagpag

MANILA, Philippines - Patuloy na namamayagpag ang mga mama­mahayag ng ABS-CBN at muling pinatu­nayan ang kanilang husay sa kanilang larangan mata­pos silang tumanggap ng iba’t ibang pagkilala sa loob at labas ng bansa.

Pinarangalan sina Julius Babao, bilang 2009 most outstanding male news presenter, at Ces Oreña-Drilon bilang best female field re­por­ter of the year sa ginanap na COMGUILD Center for Journalism 4th Annual Confe­rence of Jour­nalism and Communication Stu­dents of the Philippines noong Agosto 2 sa AFP Theater.

Silang dalawa ang nakakuha ng may pina­ka­mataas na boto mula sa 55 na hurado na binu­buo ng mga dekano at iba pang opisyal mula sa iba’t ibang ko­le­hiyo at unibersidad sa bansa. Ito ang panga­lawang pagkakataon na gina­wa­ran si Babao ng parehas na pag­kilala.

Samantala, sina Ricky Ca­ran­dang, Niña Corpuz, at Nadia Trini­dad naman ay kapwa nabigyan ng kani-kanilang fellowship grants mula sa magkaibang kiniki­la­lang insti­tusyon.

Show comments