Walang alahas pero. TV personality bumawi sa mamahaling bag

Balik sa pagho-host ng StarStruck V si Dingdong Dantes at siya na lang ang original host ng reality-based “artista search” ang naiwan. Sigurado siyang magiging successful ang new season ng SSV sa nakitang turnout ng mga nag-audition last Sunday.

Ang alam ni Dingdong, Sunday sila magho-host ni Carla Abellana ng StarStruck V sa tanggalan portion at ’di pa alam ang ibang hosting schedules. Definitely, hindi siya puwedeng mag-out-of-town dahil nagsimula na siyang mag-taping ng Stairway to Heaven.

Muling na-assure ni Dingdong ang mga nagdududa na kayang-kaya ni Rhian Ramos ang role ni Jodi.

“She’s okay, very cooperative at seryoso talaga. Hindi siya nagsasalita sa set at laging nagbabasa ng script,” sabi ni Dong sa bagong kapareha.

Napag-usapan din ang paglabas ng libro niya na ang isang picture ay lumabas siyang si Jesus Christ at nag-react daw ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) dahil hindi siya nagpaalam. Sigurado naman si Dingdong na nagpaalam siya at okay ang lahat bago pa ang pictorial nila.

* * *

Walang nangingislap at kumikinang na alahas ang TV personality na ito ’pag lumalakad at humaharap sa press. Nang makita namin, ni hikaw, singsing, at relos ay walang suot na kadalasan ay suot ng babae. As in, bare ng jewelry ang katawan niya, pero bumawi sa bag.

Hermes bag lang naman ang gamit ng TV personality at alam natin kung gaano kamahal ang ganoong klaseng bag at iilan lang sa mga celebrities, gaano man kayaman o can afford, bumili ng original. Sapat na ang bag bilang accessory ng TV personality na malapit nang magpalit ng status at malapit nang madagdagan ang apelyido para siya’y kuminang.

* * *

Sa tatlong hosts ng StarStruck V, si Carla Abellana ang pinakabago, kaya excited ito sa first regular TV hosting job niya. Si Jolina Magdangal ang kanyang pinalitan na bukod sa hosting, sing-and-dance rin ang ginawa.

Kaya ba niya ang ginawa ni Jolens?

“Kaya ko rin namang kumanta’t sumayaw at nag-host na ako noong high school ako at sa SOP. I’m honored and thankful sa GMA 7 sa new opportunity na ibinigay nila sa akin. Kung sa Rosalinda nagdadrama ako, iba naman ang gagawin ko rito,” sabi ni Carla.

Mami-miss nina Raymond Gutierrez at Dingdong Dantes si Jolina, pero looking forward sila to be working with Carla. Hindi pa alam ng tatlo ang full details sa pagho-host nila sa star search, basta pare-pareho silang excited na maging part sa pagtuklas ng mga bagong talents ng Channel 7.

Samantala, puro galos at nangingitim ang left arm ni Carla dahil sumabit ang braso sa ginawang stunt sa Rosalinda dahil siya mismo ang gumawa at ayaw magpa-double. Mamaya na ipalalabas ang eksenang iyon, kaya panoorin. Abangan din ang transformation niya bilang si Paloma at ang pagpasok ng karakter ni Alex Durantes.

Show comments