Itsura ng concert ang paglulunsad ng HerBench sa dalawang scents ni Regine Velasquez named after her monicker Songbird at nirambol na pangalan niya, Reigne.
Dressed in powder blue gown, ilan sa mga kinanta ni Regine ay ang kanyang mga hits, mga theme songs ng palabas ng GMA 7, at disco medley. Most appropriate ay ang dalawang awiting ikinonek niya sa dalawang nasabing pabango.
Eh, paanong hindi gaganahan si Regine? Ogie Alcasid, na tinawag niyang “honey,” was all over the SM MOA Atrium. May patawa pa si Regine na buong akala niya’y Bench underwear ang kanyang ie-endorse. “Kaso may edad na po ako, hindi na bagay magsuot ng panty sa billboard,” deklara niya.
Halatang in high spirits din si Regine nang kawayan ang Startalk crew bilang hudyat ng pagpapaunlak niya ng interbyu, as opposed to her stance the night before sa mismong birthday party ng kanyang boyfriend.
Understandable naman daw ang pagiging mailap ni Regine sa party ni Ogie dahil bukod sa hindi ito gaanong nakapostura ay tipsy na ito, so who says na ang pampaganda lang ng boses na ginger brew (salabat) ang tinutungga ng anak ni Mang Jerry?
* * *
What was supposedly a lachrymal episode on Startalk last Saturday could pass for a full-length comedy movie!
Ang tinutukoy ko ay ang panayam nina Joey de Leon at Lolit Solis kay Alyssa Alano na sa wakas ay natunton na ang amang matagal nang hinahanap. Ngunit sa kasamaang-palad, nasawi bunga ng sakit na lung cancer si Angelo Carcar sa Australia two years ago.
Backstage, inamin ni Alyssa na wala siyang kaide-ideya tungkol sa background ng ama na hindi na niya kinamulatan. Kung hindi pa dahil sa kanyang pinsan na nangalkal ng facebook account ay hindi nito matutuklasan ang kinaroroonan ng ama sa land Down Under. But too late, six feet under the land (ground) na rin ang pinananabikang ama!
At sa halip nga na naging madamdamin ang interbyung ‘yon nina Tito Joey at ‘Nay Lolit kay Alyssa ay naging komedya ‘yon. Mungkahi ni Butch Francisco, puwede raw maging running story ‘yon dahil naudlot ang dapat sana’y phone interview sa half-sister ni Alyssa na si Sandra Lee, “Pero sana, drama-drama na ang kalabasan.”
Off-camera rin ay inamin ni Alyssa sa akin that she grew up detached from her biological mother. “Pero pinadadalhan ko naman siya ng sustento buwan-buwan. Lumaki kasi ako sa tiyahin ko, eh,” sey ng mahinhing aktres.
* * *
Simula ngayong araw na ito ang month-long celebration ng Bacood Festival sa munisipalidad ng Bacoor sa Cavite. May temang Isang Pamilya, Isang Bayan, Isang Pasasalamat, ito’y naisakatuparan ni Mayor Strike Revilla bilang pagmamalaki na rin sa mga natatanging pagbabago sa kanyang lugar buhat nung mahalal siya.