Teary-eyed na naman si Ogie Alcasid sa birthday celebration niya kahapon sa SOP dahil sa birthday greetings via phone-patch ng kanyang mga anak at ni Michelle Van Eimeren.
May birthday wish din kay Ogie si Mark Morrow, ang future husband ni Michelle. Siyempre, napaiyak din si Regine Velasquez sa mga sinabi ni Ogie tungkol sa kanilang relasyon.
Dinaan na lang ni Regine sa biro ang kanyang pag-iyak. Nagpahiwatig siya na baby boy ang gusto niya na maging anak nila ni Ogie. Nag-dialogue si Regine ng “ here’s to Herminio Alcasid 111!
Masuwerte ang magiging anak nina Ogie at Regine dahil tiyak na magkakaroon siya ng loving parents at bright future.
* * *
Win si Brian Viloria sa laban nila ni Jesus Iribe sa Hawaii. Delayed telecast ang laban na ipinalabas kahapon sa GMA 7 dahil nag-uumpisa pa lang ang umbagan nina Viloria at Iribe, alam mo na ang winner.
Si Viloria ang nag-win sa unanimous decision ng judges sa boxing match nila ni Iribe na umabot sa 12 rounds. Dahil siya ang nag-win, na-retain ni Viloria ang kanyang title na IBF Lightweight Champion.
* * *
Libu-libong bagets ang pumila kahapon sa SOP dahil gusto nilang makasali sa Season 5 ng Starstruck.
Sinugod ng mga bagets ang mga lugar na pinagdausan ng SOP, sa Dagupan, Iloilo, Davao at sa GMA Network Center.
Tiniis nila ang mahabang pila, ang mainit na sikat ng araw at ang sari-saring amoy dahil nagsisiksikan at nag-uunahan sila sa pagkuha ng application form.
Nakakundisyon na talaga sa utak ng mga bagets na ang pag-aartista ang kasagutan sa kanilang pangarap na magkaroon ng maginhawang buhay. Nalilimutan nila na mas importante pa rin na makatapos sila ng pag-aaral!
* * *
Umuwi kaagad ako ng bahay pagkatapos ng Startalk noong Sabado dahil inabangan ko ang pagsisimula ng Season 3 ng Celebrity Duets.
Humanga ako sa mga contestant dahil itsurang saliwa ang kanilang mga boses, idinaan nila sa projection ang mga performance. Wala silang kanerbiyos-nerbiyos. Dinamihan yata nila ang pag-inom ng kape bago sila kumanta!
Nakasalalay sa televiewers at mga texter ang kapalaran ng mga contestant ng Celebrity Duets. Kapag konti lang ang bumoto sa kanila, wala silang choice kundi ang mag-goodbye.
* * *
Congrats sa GMA 7 dahil naging matagumpay kahapon ang Eleksyon 2010: Tatakbo Ka Ba?
Historical ang project ng GMA dahil nagawa nilang pagsama-samahin sa iisang lugar ang mga kakandidatong Presidente at Vice-President sa darating na eleksiyon.
Naki-cooperate ang mga nagbabalak na kumandidato dahil gumising sila nang maaga para maki-join sa unity walk.
Ibang klase talaga kapag ang Kapuso network ang host ng isang mahalagang okasyon. Para que pa’t sila ang number one TV network?