Hindi nagkamali si Luis Manzano to rethink his decision of accepting the gay role in Star Cinema’s In My Life. Outright, tinanggihan niya ito when jointly coaxed by Ms. Malou N. Santos and director Olivia Lamasan.
But the ladies apparently wouldn’t take no for an answer. Pinakiusapan nila ang anak ni Vilma Santos to go over the script, because on him would depend ang pagsisimula ng filming nito na kung tutuusi’y long overdue na.
Finally, Luis said yes, nalinawan sa extent ng kanyang pagiging bakla sa kuwento who happens to be John Lloyd Cruz’s lover.
Of the lead stars, given na ang pagiging mahusay nina Ate Vi at Lloydie, but one has to take a peek into the movie trailer para masabing nakapasa si Luis sa kanyang baptism of fire, so to speak. Walang duda, Luis has inherited the fine acting genes of his parents.
* * *
On their second week na bukas, Lunes, ang bagong ini-launch ng TV 5 na Noontime Drama Delight at Laughternoon Break which runs from 12 noon to 2 p.m.
Singaporean drama na The Little Nyonya ang pangtanghali, habang dalawang Malaysian sitcom naman na Phua Chu Kang at Under One Roof ang nasa afternoon block.
Nito ko rin lang na-realize na meron palang Star Awards sa Singapore kung saan tinanghal na best drama serial this year ang The Little Nyonya, kabilang ang best actress at best supporting actress awards. This cultural masterpiece is one that Filipinos can relate to, kasama na ang dalawang nabanggit na sitcoms kung saan hindi nagkakalayo ang ating kultura sa mga Asian neighbors natin.
* * *
Patunay na well-loved in the industry si Eugene Domingo ay ang presensiya ng ilang artista na may cameo role sa kanyang launching movie, ang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme), that was screened for the press last Thursday at the Shang Cineplex.
Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga showbiz friends ni Uge who lent their unselfish support, but what reinforced my obvious impression ay ang noticeable presence ni Sen. Jinggoy Estrada. At ano ang role ng senator? Janitor. Dinaanan lang siya ng camera habang nagtatalumpati si Dora posing as Kimmy sa isang mala-convention center, no speaking lines, no blockings.
But what is predominant in the movie ay ang pagkakaroon nito ng puso: Kimmy Dora is not another slapstick comedy film that insults the sensibilities of the audience.
* * *
Bored and wanna relax tonight? Go kayo sa Club Vito Noveleta in the heart of Cavite kung saan magtatanghal si “bossa nova queen” Sitti, the latest addition to its growing number of mainstream artists.
Fresh from her ASAP Sessionistas concert at the Big Dome noong Aug. 28, Sitti is Club Vito habitues’ most requested performer.