Malalaki na ang anak nina Donna Villa at Carlo J. Caparas na sina CJ at Peach Caparas. May special participation ang mga bagets sa Pangarap Kong Jackpot at dumalaw sila kahapon sa Startalk para i-promote ang kanilang pelikula.
Mga batang showbiz sina CJ at Peach dahil lumaki sila sa paligid ng mga artista at sa mga pelikula na ginawa ng movie company ng kanilang mga magulang.
Ang ganda ng pagpapalaki nina Donna at Carlo kina CJ at Peach dahil magagalang sila. Hindi sila spoiled brat kahit komportable ang kanilang pamumuhay.
* * *
May plano si Alyssa Alano na pumunta sa Australia para dalawin ang libingan ng kanyang ama.
Matagal na hinanap ni Alyssa ang tatay niya pero hindi sila nagkita dahil dead na si fadir.
Ang Australian half-sister ni Alyssa ang nagsabi na sumakabilang-buhay ang kanilang ama dalawang taon na ang nakararaan.
Si Alyssa ang nagpursige na mahanap at makilala ang kanyang ama at mga kapatid sa pamamagitan ng Internet.
Natawa nga ako sa kuwento ni Alyssa na kinuntsaba niya ang isang kaibigan na magpanggap na siya para magkausap sila ng kanyang kapatid na foreigner. Natakot kasi si Alyssa na kung siya ang makikipag-usap sa telepono sa kapatid niya, malamang na hindi sila magkaintindihan.
Aminado si Alyssa na hindi ito magaling mag-Ingles at kung siya ang makikipag-usap, baka mapagbintangan siya na impostora.
Maraming English boo-boos si Alyssa. Natatawa ako kapag naaalala ko ang kanyang sinabi na “prime and proper,” imbes na “prim and proper.”
* * *
Idinenay ni Yayo Aguila ang tsismis na hiwalay na sila ni William Martinez. Nagtataka si Yayo dahil paulit-ulit ang tsismis na nag-goodbye na sila ni William sa isa’t isa.
Paano maghihiwalay sina Yayo at William eh magkasama nga sila sa bagong sitcom ng TV 5, ang Moomoo and Me?
Hindi kaya may nagkalat ng balita para pag-usapan ang Moomoo and Me, at the expense of William and Yayo?
Batambata pa si Yayo nang pakasalan ito ni William pero ang kanilang relasyon ang isa sa mga pinakamatatag sa showbiz.
* * *
Hindi natin malalaman ang nangyari sa paghaharap nina Annabelle Rama at Wilma Galvante noong Biyernes dahil ipinagbabawal ng korte na magkuwento sila.
Isang bagay ang malinaw. Tuloy ang demandahan blues nina Mama Wilma at Bisaya dahil pareho silang tumanggi na magpaareglo. Walang settlement, walang batian na nangyari. No nothing!
Ang ibig sabihin, tatagal pa ng taon ang kanilang mga court cases.
* * *
Idinenay ni Ara Mina ang balita na nakita siya na kasama si Manny Pacquiao sa isang five-star hotel.
Naloloka na si Ara dahil hindi na mamatay-matay ang tsismis tungkol sa kanila ni Manny. Lalong maloloka si Ara kapag nalaman nito na detalyado ang kuwento tungkol sa pagkikita kuno nila ni Manny. May pangalan ang five-star hotel at detalyado ang mga kilos nila ni Manny.
Kung sinuman ang nag-imbento ng balita na idinenay ni Ara, ang galing-galing niya. Puwede siyang maging scriptwriter ng isang fantaserye!