Boses ni Imelda Papin nagbago na

Maganda yung ginawang pagtatampok ng ABS-CBN kay Vilma Santos sa lahat ng Sabado ng Agosto. Hindi lamang siya naipakilalang muli ng network sa mga tagasubayabay ng local movies, naging isang maganda behikulo pa rin ito para mai-promote ang kanyang pelikula sa Star Cinema, ang In My Life, na nagtatampok sa kanila ni Luis Manzano at John Lloyd Cruz.

Isa ako sa naimbita sa presscon ng nasabing movie at na-excite ako sa istorya ng pelikula na kung saan ay isang gay character ang ginagampanan ni Luis na anak ni Vilma. Sa New York ito nakatira at nang magpasya si Vilma na dalawin ito, saka niya natuklasan ang isang katotohanan na matagal na naitago ng anak sa kanya.

Isa ako sa unang manonood nito kapag ipinalabas na ito. Gusto kong mapatunayan kung gaano nag-improve ang acting ni Luis. Given na kasi ang kagalingan nina Vilma at John Lloyd kaya kay Luis na lamang ako interesado. Nakaya kaya niyang gampanan ng makatotohanan ang role ng isang bakla?

* * *

Okay yung pagtanggi ni Anne Curtis na mag-comment sa isyu kina Luis Manzano at Angel Locsin. Hindi nga naman siya involved kaya bakit siya makikisawsaw.

Totoo naman! Let Manzano and Locsin do their own explaining, kung gugus­tuhin nila. Pero kung ayaw naman nila at gusto lang manatiling tahimik sa mga nang­yayari, sino naman tayo para pilitin sila? They have the right to their own pri­vacy. Kahit pa public figures sila.

Kilala sa pagiging tahimik sa kanilang lovelife ang dalawa. Siguro mas gugustuhin nilang hayaan natin sila sa kanilang pananahimik. Yun ang basa ko sa kanila.

* * *

Pinadalhan ako ni Imelda Papin ng kanyang album na sa US pa niya inirecord at nagandahan ako. Kung hindi ko alam na siya yung kumakanta sa album, sa­sabihin kong ibang singer yun. Oo nga’t naroon pa rin ang istilo niya sa pagkanta na hinangaan ng marami pero, sa maraming kanta, iniba niya ang style niya. Maging ang kanyang boses is a far cry from the one na nagpasikat ng Bakit (Simula’t sapul mahal kita…) at Isang Linggong Pag-ibig, malaki na ang ipinagbago nito.

It was for the better. Bagaman at madaling maibabalik ni Imelda sa dati ang boses niya. Marami ang ginawang adjustment ang Jukebox Queen, the undisputed sa kanyang boses para siya manatili sa kumpetisyon sa abroad. Pero ngayong nasasa- bansa siya, people will be hearing again the voice na kinagiliwan nila ng matagal. Lalo na sa dalawang gabing konsiyerto nila ni Melissa Machester sa PICC (Sept. 18) at sa Waterfront Hotel, Cebu (Sept. 20). Siyempre, kailangang kantahin niya ang mga kantang nagpasikat sa kanya at magugulat din ang lahat dahil baka kumanta sila ni Manchester ng Tagalog song. In case, di n’yo alam, si Manchester ang nagpasikat ng mga awiting Looking Through the Eyes of Love, Don’t Cry Out Loud, Midnight Blue at If This Is Love among others.Medyo, may kamahalan ang tiket sa show pero, mahal din ang pagdadala dito kay Manchester ni Oscar Parel, ang nagprodyus ng concert nilang dalawa sa Las Vegas.

Show comments