John Lloyd natulala kay Ate Vi

Big time na si Mark Bautista. May sarili na siyang endorsement. At hindi lang basta-basta, malaking campaign ng pinaka-patok na food chain sa kasalukuyan, ang Mang Inasal na pag-aari ng batang-batang negosyanteng si Mr. Edgar Sia II, President/CEO Mang Inasal Philippines Inc.

Nagpirmahan na ng kontrata noong isang araw at sobrang na-excite si Mark dahil first time niyang nagkaroon ng endorsement.

Ilalagay sa lahat ng branch ng Mang Inasal ang higanteng standee niya at babaguhin din ang mga naglalakihang billboard ng nasabing pinaka­mabilis dumaming chicken house sa bansa na nag-umpisa sa Iloilo sa kapital ng may-ari na P250,000.

“Matagal na akong kumakain sa Mang Inasal at hindi ko ini-expect na magiging endorser ako,” nai-excite na kuwento ni Mark after ng contract signing kamakalawa.

Hindi raw naging matagal ang negotiations sa pagitan ni Mr. Sia at ni Mr. Vic del Rosario for Mark.

Actually, biglaan lang daw ang lahat.

Nasa Iloilo ang grupo nila Mr. Del Rosario para sa provincial tour ng The Next One ni Sarah Geronimo kung saan kasama as guest si Mark, nang may magbanggit na bakit hindi maglagay ng endorser ang Mang Inasal. Eh nagkataong nandun si Mark at nabanggit ang pangalan ng singer.

Oras lang ang itinagal ng usapan, naisara ang negotiations sabi ni Mr. Del Rosario.

After four days, nagbiyahe ng Maynila si Mr. Sia at pumunta sa Viva office para makipag-pirmahan ng kontrata.

May nagbiro nga na talbog na ni Mark ang bestfriend niyang si Piolo Pascual ngayon dahil mas maraming branches ang Mang Inasal kumpara sa ini-endorso nitong food chain.

Tawa lang ang sagot ni Mark.

By the way, habang nagkakakaroon ng krisis sa bigas sa bansa, nakakataka namang unlimited ang offer na rice nila.

* * *

In My Life offers you a different Vilma Santos, a different John Lloyd Cruz, and a different Luis Manzano. It offers you also sa unang pagkakataon ang pagsasama ng tatlong ito. Also first tina-tackle ang problema ng isang babaeng in her mid-50s na iniisip mo parang katapusan na ng buhay mo, yun pala parang nag-uumpisa pa lang,” pagkukuwento ni direk Olive Lamasan tungkol sa sinasabing pinakamalaking pelikula ng taon na In My Life.

Actually, pawang magaganda ang kuwento ng lahat ng kasama sa pelikula. Say ni Gov. Vi : “I started in the business since I was 9, halos lahat na yata ng roles, nagawa ko na, mula pagkabata, teenager. Naging Darna, naging Dyesebel, naging other woman, naging martir na asawa, halos lahat na nagawa ko, dumating na ako sa point na anong bago? Ano naman yung puwede akong magpakita or matsa-challenge naman akong gawin ulit? Mula nang ginawa ko yung mga pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?, iba iyon. Walang mga leading man, yun bang hindi love story. Then naghahanap ako ulit na puwede nating mai-offer na iba. Itong In My Life ang nakita kong challenging uli. Because the role that I’m playing here, hindi ko pa nagampanan. So excited ako sa movie na ito, ibang klase naman yung challenge ng movie na ‘to.”

Bukod kay Gov. Vi, ang dami ring sinabi ni John Lloyd sa kanyang pelikulang kakaiba naman kumpara sa dalawang huling pelikula nila ni Sarah Geronimo na super successful sa takilya.

 “First time working with Ate Vi…. Nakakatulala, para bang ilang beses kong ni-remind ang sarili ko ‘uy wag kang manood, kailangan ng participation mo dito, kailangan mong magtrabaho kasi siyempre lumaki ako na sila yung talagang magagaling hindi ba? Talagang mga pangalan na tinitingala ng lahat. Madalas nangyayari sa set, sa shooting, napapatunganga ako, pinapanood ko siya kung paano siya kumilos, kung paano siya umarte. Paano siya umatake. Maganda. Masaya na parang na-enjoy ko yung feeling.”

Pero may sagot agad si Gov. Vi.

“Ngayon ko lang masasabi ito kasi nakakaeksena ko si John Lloyd. Ang isang na-feel ko kay John Lloyd kasi, he’s not taking his career for granted e. Nakikita mo sa shooting seryoso siya. Once kaeksena mo siya, nararamdaman mo yung ibinabalik niyang acting sa ’yo, sincere e.”

In My Life opens in theaters nationwide on Sept. 16.

Show comments