Pangatlo na... Snooky magpapakasal na naman
Sa kahit anong anggulo mo man tingnan, kaabang-abang ang pagsasama nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa isang konsiyerto sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa September 8, Sabado, 8:00 N.G.
Pinamagatang As 1, ang pagsasama ng dalawang itinuturing na pinaka-malalaking music icons sa bansa ay magaganap matapos ang 25 taong rivalry na hindi kailanman sumira sa kanilang friendship.
Kasabay ng concert, maglalabas ang Univer-sal Records ng isang ispesyal na commemora-tive album na As 1 din ang titulo, also featuring Martin and Gary V.
Sa album tampok ang dalawa singing each other’s songs - Sana Maulit Muli, Reaching Out, Hang On, Take Me Out Of The Dark, Kahit Isang Saglit, Ikaw ang Pangarap, mga awitin ni Gary V na kakantahin ni Martin at Be My Lady, How Can I, You Are My Song, Ikaw Ang Lahat Sa Akin ni Martin na kinanta naman ni Gary V. Nag-duweto naman sila sa As 1, isang awitin na sinulat ni Gina Tabuena-Godinez at Albert Chang at inareglo ni Gary V.
Ganito rin more or less ang makikita sa kanilang concert pero, ang hindi tiyak ay kung magagawa ni Martin ang mga dance moves ni Gary V, pero tatangkain niya.
Walang guests ang dalawa sa concert, bukod sa Maneouvres at G Force pero, sinabi nila na baka maisama nila sa show ang kani-kanilang mga anak. Medyo mahirap ito sa parte ni Martin dahil parehong nasa abroad sina Ram at Robin pero ang mga anak ni Gary V na sina Paolo, Gabriel at Kianna ay naririto.
Pagkatapos dito, magkakaroon din ng As 1 US/Canada tour.
Naniniwala si Gary V. na hindi sisirain ng ulan ang kanilang konsyerto pero, just in case, pinagdadala ni Martin ng payong ang lahat ng manonood ng concert sa September 8.
Pagkatapos ng Martin/ Gary V concert, interesado naman ang megastar na si Sharon Cuneta na makasama si Gary V sa isang concert din. Ito ang paghahandaan sa susunod ng Genesis, ang kumpanya na humahawak sa career ni Gary V at pinamumunuan ng kanyang misis na si Angeli Pangilinan at kapatid na si Gina Valenciano Martinez.
* * *
Mukhang ang beauty queen na si Janina San Miguel ang magbibigay ng kulay sa pangatlong edisyon ng Celebrity Duets ng GMA7 na magsisimulang umere sa Agosto 29, 6:00 N.G.
Pinahanga nito ang mga dumalo sa launching ng nasabing programa sa kanyang mga sagot sa tanong ng press. Matatandaan na naging usap-usapan ng marami ang naging performance niya sa question & answer portion ng Bb. Pilipinas beauty pageant, kitang-kita ang kaba niya nun pero, nanalo pa rin siya bilang Bb.Pilipinas-World. Sinabi niya na patutunayan niya na sa Celebrity Duets na hindi palaging beauty queen ang unang matatanggal.
Ang iba pang magpipilit kumanta sa Celebrity Duets ay ang actor/businessman/car racer na si Jomari Yllana, actress/director Gina Alajar, beauty expert Mikaela Bilbao, Lord of Scents Joel Cruz, fashion designer Maxi Cinco, champion boxer Nonito Donaire, Jr., half Brazilian, half Japanese model Akihiro Sato na balak makilala sa local showbiz at ang potograpong si Ni-ccolo Cosme.
Hindi ang isang milyong pisong premyo ang nakaakit sa siyam na mga sikat na personalidad na sumali kundi ang pangyayaring makakapag-relax sila sa kanilang busy sked, makakatulong sa charity, at ang pinaka-importante, maiiba naman ang mundo nila kahit sumandali at inaasahan nila na sa sandaling panahon na ito, mag magi-enjoy sila.
* * *
Hay naku, si Snooky Serna, balak magpakasal muli sa ikatlong pagkakataon. Matatandaan na dalawang ulit na siyang nabibigo sa pag-aasawa pero, hindi ito hadlang para hangarin niya ang ikatlong gloria sa piling ng isang non-showbiz guy na mahal siya at suportado ang career niya.
Sana nga, maging maligaya na si Snooky sa binabalak niya. Ang tanong ay kung puwede na ba siyang mag-asawang muli, wala bang problema?
- Latest