Sorpresa ng fan nina Dingdong at Marian nakakaloka

Ang ganda ng mga litrato ni Dingdong Dantes sa unang issue ng Life Stories ng Yes. Tatlo ang photographers ng mga litrato ni Ding­dong na kinunan sa iba’t ibang location.

Ang bookazine ang pinagkaabalahan ni Dingdong noong hindi pa nag-uumpisa ang taping ng Stairway To Heaven.

Hindi nabakante ang kanyang schedule. May mga out of town shows siya, pictorial para sa Life Stories at pinaghandaan niya ang kanyang birth­day special, ang Dantes Peak na ipala­labas sa SNBO ng GMA 7 sa darating na Ling­go.

Kahapon ang press launch ng bookazine ni Dingdong sa Bellissimo, ang Italian restaurant na pag-aari ni Cesar Montano.

May malaking sorpresa na natanggap si Dingdong mula sa fans nila ni Marian Rivera, ang mga miyembro ng DongYan Fanatics pero hin­di pa puwedeng i-reveal kung ano ‘yon.

Naloka ako sa surprise gifts na natanggap ni Dingdong. Dapat magpa­salamat ang dala­wang representative ng fans club nina Dingdong at Marian na nag-abot sa kanya ng surprise gifts dahil hindi ko kaagad sila nakilala or else, hahar­batin ko ang makatulo-laway na sorpresa. Sosyal siya ‘ha!

* * *

Imbiyerna sa singer/actress ang aking friend dahil hindi siya marunong mag-return ng phone call.

Nuno ng kaartehan ang singer/actress dahil ito na nga ang tutulungan ng aking friend para ma-promote ang kanyang nalalapit na concert, siya pa ang nagpapa-importante.

Hindi siya sumasagot sa mga text message at mga tawag sa cellphone. Feeling busy ang hitad eh wala naman siyang ginagawa dahil nasa twilight zone na ang kanyang showbiz career.

Sa totoo lang, matagal nang kinaiiritahan ng mga reporter ang singer/actress dahil sa kaar­tehan nito. At kung kailan nagkaedad, saka siya naghuhubad kesehodang hindi kanasa-nasa sa mga kalalakihan ang kanyang katawan.

* * *

Matagal nang balita ang balak na pagpa­pakasal ni Michelle Van Eimeren sa kanyang Australian boyfriend, si Mark Murrow.

Matutuloy na ang kasal ng dalawa sa November at siyempre, dadalo si Ogie dahil nagka­hiwalay man sila ni Michelle, friends ang kanilang trato sa isa’t isa.

Huwag tayong magulat kung kakanta si Ogie sa church wedding ng kanyang ex-wife. Hindi rin kataka-taka na isama niya si Regine Velasquez sa Australia para sa altar date nina Michelle at Mark.

Never na nagsalita si Ogie tungkol sa personal na buhay ni Michelle. Si Michelle pa nga ang naging open sa pagkukuwento sa press na may bago na siyang love at tanggap na tang­gap niya ang relasyon nina Ogie at Regine noong nagbakasyon sila sa Pilipinas ng kanyang mga anak.

* * *

Nagustuhan ng mga bagets ang animated film na pinanood nila kahapon sa Shangri-la Cineplex, ang Ligtas Likas.

Nag-enjoy ang mga bagets sa dalawang episode ng animated series na pinrodyus ni Senator Loren Legarda sa pakikipagtulungan ng Creative Media and Film Society of the Philippines o CREAM ni Imee Marcos.

Yes, ka-join si Mama Imee sa project ni Mama Loren, ang Al Gore ng Pilipinas dahil sa kan­yang pagtatanggol at pag-aalaga sa ka­likasan ng ating bayang magiliw.

Nagpakita ng interes ang Knowledge Channel at Hero Channel sa Ligtas Likas kaya malaki ang posibilidad na mapanood ito sa mga nasabing cable channel.

Aliw na aliw ang mga bagets sa animated film na nagturo sa kanila ng wastong panga­ngalaga sa ating kapaligiran at mga likas na yaman.

May-I-ask din nila si Mama Loren kung ano ang pipillin niya, ang pulitika o ang pagliligtas sa ating kapaligiran. Ang pangangalaga sa ating mundo ang pinili ni Mama Loren pero nasa pulitika siya dahil nagagamit niya ang kanyang posisyon at koneksiyon para makatulong sa pagliligtas sa ating mga natural na kalikasan.

Show comments