Pati DJs mahilig sa cereal milk

MANILA, Philippines - Dahil halos lahat ay health-conscious na ngayon, pati ang mga radio disc jockeys (DJs) ay napapainom na rin ng health drink na galing sa cereals, ang Nesvita Cereal Milk Drink.

“I just love Nesvita Cereal Milk Drink! Having it in the morning makes me feel great because I know I’m eating na both delicious and great sa aking body,” sabi ni Ma. Rica Lazo aka DJ Yumi ng 93.9 iFM, na host ng Sigarilyas at Mani, Lunes hanggang Biyernes ng 7-11 p.m. at ng iCountdown ng Sabado ng 12 p.m.

Ang isa pang top female radio star, si DJ Gelli (Angelica Victor) ng RX 93.1 ay nagsisimula rin ng araw niya nang pag-inom ng Nesvita Cereal Milk Drink.

“It makes me feel beautiful because I know I am taking in something that is healthy and good for my body. Alam ko na nourished ako inside and it will show on the outside,” sabi ni DJ Gelli.

Idinagdag ng DJ na lagi siyang may cup ng inumin sa mesa habang nagtatrabaho. Siya ang host ng The Ride na mula 10 a.m. hanggang 1 p.m., Lunes hanggang Biyernes, at ng Grew tuwing Linggo, 8 a.m. hanggang 12 noon.

“While I’m on board, it keeps me energized so I could handle a mid-morning show,” sabi ni DJ Gelli.

Naglalaman ang Nesvita Cereal Milk Drink ng Vitamin A, na antioxidant at proteksiyon sa mata; Vitamin C, para sa resistensiya; at Vitamins B1, B2, at B6, para sa lakas. Ang maganda pa, may tatlong masarap na flavor ang health drink — original, sweet corn, choco malt — kaya hindi nakakasawang inumin. 

Show comments