Imelda Papin babalikan ang pulitika
Dumating kamakailan lamang sa bansa ang tinaguriang Undisputed Jukebox Queen of the Philippines na si Imelda Papin after three long years of absence. Isa nang green card holder si Imelda sa Amerika at kasalukuyang may matagumpay na career dun as a singer-performer at bilang TV & radio host.
Umuwi sumandali si Imelda para mag-launch ng kanyang album na ini-record niya sa US sa ilalim ng 618 International Records at ipinamamahagi dun ng Warner Music Group at ire-release naman locally ng Viva Records. May pamagat itong I Love You pero, sa US ang titulo nito ay The Voice of the Heart.
Naririto rin siya sa Pilipinas para paghandaan ang kanyang nalalapit na back to back concert with international diva, Melissa Manchester, na magaganap sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) sa September 20 at sa Pacific Grand Ballroom, Waterfront Hotel & Casino, Lahug City - P525 (gallery) hanggang P5,250 (flat center) ang halaga ng tiket sa PICC at P500 (bronze)-P300 (platinum) naman sa Cebu.
Ang concert ng dalawang diva ay unang napanood sa Orleans Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada nung July 31 at August 1. Ideya ng Viva Concerts & Events and International Entertainment, Inc. ang pagdadala dito ng dalawang musical icons para mapanood ng mga Pinoy ang matagumpay nilang paghaharap.
Si Imelda ang nag-iisang Pinay na may larawang naka-display sa lobby ng Orleans Hotel & Casino kasama ang mga sikat na sina Michael Bolton, Richard Marx, Melissa Manchester, Engelbert Humperdinck, Neil Sedaka, Gladys Knight, Kenny G, Air Supply, Paul Anka, Boys 11 Men, at marami pang iba.
Isa sa mga highlights ng CD ni Imelda ay isang duet kasama si Ron Dante ng Archies, ang orihinal na singer ng Sugar Sugar.
Sa presscon na ibinigay ng Viva para sa balikbayang singer, inamin nito na may balak siyang balikan ang pulitika sa Pilipinas. Pero hindi pa ngayon.
Naka-focus muna siya sa booming career niya sa US. Kahit abala sa kanyang pagkanta roon, nagawa niyang makapag-concert through her Imelda Papin Foundation para sa kabataang pasyente ng PGH.
Nakipagsanib-puwersa rin siya dun sa Pambansang Kamao Manny Pacquiao para makabili ng dialysis machine para sa libreng paggamot sa mga batang mahihirap na may sakit ng diabetes, cancer at heart disease.
Iniwasan ni Imelda na pag-usapan ang kanyang lovelife o ang napaka-kontrobersiyal na mansyon na tinitirhan niya sa US na may elevator sa loob. Sinabi lamang niya na maligaya siya sa piling ng kanyang ‘mahal’ na suportado ang kanyang career. Sa suporta nito kung kaya booming ang kanyang career ngayon sa US.
Matagal nang annulled ang kasal nila ni Bong Carreon pero, nananatili silang magkaibigan. Meron silang isang anak, si Maffy Papin, nasa US din at kasama sa lahat ng shows ni Imelda. May asawa na rin ito at may apo na sila rito.
* * *
May bagong pabango na inilabas si Joel Cruz na ini-endorso ni John Lloyd Cruz, ang John Lloyd Cruz Like Him, para sa mga lalaki at John Lloyd Cruz Like Her na pambabae naman.
Kabilang na si Lloydie sa humahabang listahan ng mga celebrity endorser ng Joel Cruz Signature. Ronnie Liang endorses Sunblock Lotion at Eau de Toilette na ini-endorso rin nina Alfred Vargas at Ejay Falcon. Si Alfred din ang endorser ng Men’s Intimate Spray.
Ang iba pang celebrity endorser ng JCS ay sina Pauleen Luna who endorses JCS’s personal care line products at Dennis Trillo, hairwax & car perfume.
- Latest