^

PSN Showbiz

ZsaZsa at Dolphy parehong may hinihintay

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Para namang hindi ako makapaniwala na may­roong iniiyakang lalaki si Ruffa Gutierrez. Lalo akong hindi maniniwala kapag sinabing si John Lloyd Cruz ito.

Bakit Ruffa, akala ko ba magkaibigan lang kayo at hindi nagliligawan? Katunayan, binabalikan daw nito ang ex niyang si Liz Uy gayung hindi pa malinaw kung anong relasyon meron kayo. Ito ba ang dahilan ng pag-iyak mo?

Ako ang unang-unang makakahinga ng maluwag kapag totoo pala ang sinabi mo na may ibang dahilan kaya ka umiyak at hindi ang aktor.

Tama lang na i-maintain n’yo na lang ang friendship n’yo. Kung ganyang wala pa nga sa inyong umaamin ay umiiyak ka na, gaano pa kapag naging malalim na ang relasyon n’yo at may involved nang emosyon.

Bigyan mo lang ang sarili mo ng sapat na panahon para magmahal muli. Huwag kang magmadali.

* * *

Anim na taon na palang hinihintay ni ZsaZsa Padilla ang hinihiling niyang annulment pero hanggang ngayon, wala pa rin itong linaw.

Pareho lang pala sila ni Dolphy na matagal na ring nairekomenda para maging National Artist pero, wala pa ring linaw.

Ngayon ay nagtatalu-talo ang mga taong nasa likod nito dahil ang ilan sa mga napili ni PGMA sa taong ito ay hindi raw dumaan sa tamang proseso kaya tinututulan nila.

* * *

Ano nga kaya ang ginagawa ng isang Gina Alajar sa isang palabas na tulad ng Celebrity Duets? Masyado na siyang accomplished para isailalim ang sarili niya sa kahihiyan kung sakali mang maaga siyang matanggal.

Pero tama rin naman siya kung ang hanap niya ay enjoyment. Makakaalis ito ng stress sa napakarami niyang ginagawa bilang artista. Matalo man siya, naging masaya naman siya habang tumatakbo ang programa. Matututo pa siyang kumanta.

Ingat ka lang, Gina. Balita ko, nakakapang-agaw ng eksena ang dating beauty queen na si Janina San Miguel. Kung sa akting ay never kang naaagawan ka eksena, baka rito sa show, mangyari ito.

* * *

Pag magaling kang artista na tulad ni Iza Calzado, wala kang pipiliing role, lahat ng ibigay sa iyo tatanggapin mo para ipakita lamang ang iyong versatility.

Isang lalaking naging babae sa pamamagitan ng sensiya ang role ni Iza sa Rowena Joy, isang serye ng SRO Presents at sa halip na mahirapan sa kanyang trabaho, balitang nag-enjoy siya ng husto sa pagganap ng bakla. Pero kasi si Iza Calzado siya, walang kyeme, magaling na alagad ng sining na ang hangad ay magawa ang kanyang trabaho ng buong husay. Masuwerte ang GMA 7 na isa siyang Kapuso.

vuukle comment

BAKIT RUFFA

CELEBRITY DUETS

GINA ALAJAR

IZA CALZADO

JANINA SAN MIGUEL

JOHN LLOYD CRUZ

LIZ UY

NATIONAL ARTIST

PERO

ROWENA JOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with