Gown ni Miriam pinintasan

SEEN : Poor third ang gown ni Miriam Quiambao sa gown nina Ruffa Gutierrez at Charlene Gonzales sa Miss Universe Primer ng ABS-CBN kahapon.

SCENE : Palpak ang audio sa awards night ng Cinemalaya Cinco na ipinalabas sa TV 5 noong gabi ng Sabado.

Hindi marinig ang mga sinasabi ng mga hosts, award presenters at winners.

SEEN : Talunan sa Are You the Next Big Star? ang Marilao, Bulacan councilor na si Alexis Castro.

Hindi nakatulong ang kanyang nag-uumapaw na self-confidence.

SCENE : May kadiliman ang lighting ng Show Me Da Manny.

Naaliw si Jim Paredes sa pangalan ng gym sa sitcom nina Manny Pacquiao at Marian Rivera, ang Gym Paredes.

SEEN : Reign at Songbird ang mga pangalan ng mga pabango ni Regine Velasquez para sa HerBench.

SEEN : Ang ebidensya ng malaking pagkakahawig ng poster ng As 1 sa movie poster ng The Curious Case of Benjamin Button. As 1 ang concert sa September nina Martin Nievera at Gary Valenciano.

Show comments