Gown ni Ruffa regalo ni Yilmaz
Alam na ngayon ni Bianca Manalo ang pakiramdam ng isang “Luz Valdez” dahil hindi siya nag-win sa Miss Universe contest. Hindi rin niya nakuha ang Miss Photogenic award dahil tinamad na yata ang mga kababayan natin na bumoto sa Internet.
Si Miss Thailand ang naka-getsing ng special award na palaging napapanalunan noon ng mga kandidata mula sa Pilipinas.
Walang dapat ikahiya si Manalo porke natalo siya sa beauty contest na kanyang sinalihan. Hindi pa naman katapusan ng mundo at hindi rin siya ang nag-iisang Luz Valdez.
May trabaho na babalikan si Manalo dahil naka-leave lamang siya mula sa pagiging stewardess ng Philippine Airlines. Malaking kunswelo rin na nakarating siya sa Bahamas at nakilala siya sa Pilipinas dahil gabi-gabi siyang laman ng mga news program ng ABS-CBN.
* * *
Maganda si Ruffa Gutierrez sa primer ng Miss Universe contest na ipinalabas kahapon sa ABS-CBN. Beauty queen na beauty queen ang hitsura ni Ruffa. Hindi halata na dalawa na ang kanyang mga anak. Marami rin ang nagandahan sa gown na suot niya.
Ang balita ko, sikat na international designer ang gumawa ng gown ni Ruffa at regalo ito sa kanya ng ex-husband na si Yilmaz Bektas. Hindi ako sure kung iniregalo ni Yilmaz ang gown noong nagsasama pa sila ni Ruffa o noong iniwanan na siya ng kanyang misis.
* * *
Timing na timing ang pagpunta ni AiAi delas Alas sa Amerika dahil sina Miriam Quiambao at Charlene Gonzales ang mga naging co-hosts ni Ruffa sa Miss Universe primer na ipinalabas sa Ruffa & Ai.
Alangan si AiAi na maging co-host ng Miss Universe Primer dahil Comedy Concert Queen siya, hindi beauty queen.
Nagbigay ng karangalan sa ating bayang magiliw sina Ruffa, Miriam, at Charlene nang sumali sila sa mga international beauty competitions.
Nag-win si Charlene ng National Costume Award sa 1994 Miss Universe Contest, 1st runner-up si Miriam Quiambao sa 1999 Miss Universe Contest, at 2nd Princess si Ruffa sa Miss World Contest noong 1993.
Tandang-tanda ko na nagkaroon si Ruffa ng motorcade nang dumating siya mula sa South Africa. Isang party ang ginanap sa Bistro Lorenzo sa Greenhills pagkatapos ng motorcade. Nakaka-miss din ang Bistro Lorenzo ‘ha? Ito ang paboritong tambayan ng mga showbiz personalities noong dekada ’90.
Maraming unforgettable scene ang nangyari sa Bistro Lorenzo. Mga eksena na hindi malilimutan nina Ruffa, Senator Jinggoy Estrada, Lucy Torres, Richard Gomez, Jenny Syquia, at marami pang iba!
* * *
Masaya ang presscon kagabi ng Season 3 ng Celebrity Duets dahil iba’t iba ang karakter ng mga celebrity contestants. Lahat sila eh pursigido na mag-win pero nakasalalay ang kanilang victory sa mga text votes.
Mahirap hulaan kung sino ang unang matsutsugi sa Celebrity Duets dahil sumumpa ang mga contestants na gagawin nila ang lahat para makarating sila sa grand finals.
- Latest