Danita Paner kapamilya na ni Sam

Dahil mag-ina, hindi maaring manatiling magka­away ng mahabang panahon sina Daisy Romualdez at Danita Paner. At para mapatunayan na talagang wala nang sama ng loob na namamagitan sa kanilang dalawa, isa sa mga tampok na bituin sa inihahandang napakalaking konsiyerto ni Daisy sa Setyembre 27 sa Tent City ng Manila Hotel si Danita. Kakantahin ni Danita ang ilang mga awitin sa kanyang second album. Tampok din sa nasabing palabas na may titulong September to Remember sina Rico Puno, Erik Santos, Sam Milby, at Richard Poon.

At para hindi siya maakusahang stage mother at nakikialam sa career ng kanyang anak, bagaman at wala akong nakikitang masama rito considering na bata pa si Danita at isang babae kung kaya kailangang gabayan ng ina, ikinuha ni Daisy ng manager ang anak, si Ericson Raymundo, manager nina Sam Milby at Richard Poon. Ito na ang mangangalaga kay Danita ngayon.

* * *

Mas mabuti nga siguro kung totoong break na sina Lovi Poe at Jolo Revilla. Baka sa pama­maraang ito ay mas maasikaso pa nila ang sari-sarili nilang mga career. Sa tanggapin nila o hindi, talaga namang nagsa-suffer ang career kung hindi dito ang focus nila. Tutal mga bata pa naman sila, marami pang pagkakataon.

Ang relasyon nila ni Jolo siguro ang dahilan kung bakit isinasangkot ni Rosanna Roces si Lovi sa gulo nito sa pamilya ni Jolo. Hindi na kasi siya pinapansin ng mag-asawa, with Lovi nakakuha siya ng reaksiyon, maski na mula kay Jolo lamang.

Samantala, nakabalik na ng GMA ang anak ni Da King Fernando Poe Jr. Ibig sabihin, di pala totoong banned siya rito.

Sa ngayon, isa siya sa cast ng Show Me Da Manny, topbilled by the Pambansang Kamao.

* * *

Marami pala ang nalungkot nang magtapos sa ere ang Only You nina Angel, Diether, at Sam. Feeling kasi nila, totoong kaganapan ‘yun at hindi isang panoorin lamang sa telebisyon na ilang buwan ding nagpasaya sa mga manonood.

Maraming mga palabas sa TV ang nagtatapos ng bigo ang pakiramdam ng mga manonood. Ang ganda-ganda ng itinakbo ng serye pero, ang wakas, tsaka (pangit)!

Pero, ang Only You, natapos daw ng maganda at may iniwang ngiti sa labi ng mga nanood nito. Sayang at na-miss ko ito. Kung hindi kasi ako tulog na kapag umeere ito ay nasa labas pa ako ng bahay. At may pinagkakaabalahang iba.

Show comments