Ryan Agoncillo nakipag-one-night stand kay Jennifer Lee?

Mariing itinanggi ni Jennifer Lee na nakipag-one-night stand siya sa bagong kasal na si Ryan Agoncillo.

Ayon sa sexy actress nang tanungin siya sa kanyang ginagampanang role sa George and Cecil, muntikan lang na may mangyari sa kanyang karakter na si Starlet at sa karakter ni Ryan na si Cecil ngunit sadyang gentleman ang high school teacher at walang ginawang masama sa kanya.

Masasangkot sa isang gulo si Cecil ngayong Linggo (Aug. 23), matapos itong mahuli ng asawang si George (Judy Ann Santos) sa isang massage parlor na kanyang ni-raid. Inaya kasi ito ng pilyo niyang kaibigang si Gordon (Jommy Teotico) at dahil sa busy si George ay pumayag din si Cecil.

Bagama’t malinis ang konsensiya ni Cecil, lalaki pa lalo ang isyu dahil gagatungan pa ito ng kanyang pakialamerang ina na si Maribel (Tessie Tomas) at magulang ni George na sina Ched (Malou de Guzman) at Damian (Al Tantay).

Paano kaya maaayos ni Cecil ang gusot na ito? Mapapatawad kaya siya ni George?

Alamin ang kasagutan ngayong Linggo (Aug 23) sa George and Cecil, pagkatapos ng Sharon sa ABS-CBN.

Isang Linggong TV special sa 8th anniversary ng SiS!

Walong taon na ang SiS! At isang super live na engrandeng selebrasyon ang inihahanda ng programa para sa sambayanan! Simula Aug. 24 hanggang August 28 (Biyernes), bibisita ang mga pinakasikat na Kapuso stars para maki-chika at makisaya kasama sina Janice at Gelli de Belen, kasama si Carmina Villaroel.

Limang araw na matinding selebrasyon sa ika-walong taon ng inyong mga sisters! 

* * *

Malalaking selebrasyon at sangkatutak na saya ang nakatakdang mangyari sa pagdiriwang ng kaarawan ng “miracle boy” ng bayan na si Zaijian Jaranilla (Santino sa May Bukas Pa) ngayong araw, ika-23 ng Agosto.

Nakita ng buong publiko ang paglaki ni Zaijian. Sa loob ng mahigit tatlong taon, nasaksihan ng madla ang kanyang pagiging product endorser at ngayon, bilang isa sa mga pinaka-epektibong batang aktor sa kasaysayan ng Philippine entertainment. Sa pagdagdag ng panibagong taon, humanda sa isang malaking selebrasyon na nararapat lamang sa isang “miracle boy.”

Isa sa mga kahilingan ng cute na cute na batang aktor ay ang makapunta sa Disneyland. Kaya naman bilang regalo ng Kapamilya Network, abot na ni Zaijian ang pangarap dahil kasalukuyan na itong nasa “happiest place on earth.”

“Matagal ko na po kasing gustong makapunta ng Disneyland. Nakikita ko po yun sa TV kasi at parang ang saya po doon,” masayang kwento ni Zaijian. “Gusto ko pong mag-thank you sa ABS-CBN kasi ibinigay po nila yung isa sa mga birthday wishes ko.”

Bukod sa kanyang trip sa Disneyland, naghanda rin ang ABS-CBN ng children’s party sa Aug. 29. Limampung mapapalad na batang paslit ang makikisaya kasama si Zaijian. Katulong ang ABS-CBN interactive at 101.9 For Life, isang text promo ang ilulunsad kung saan ang mga sasali sa promo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama si Santino.

Bukod sa hangaring mapasaya ang mga bata, isa na rin itong paraan ni Zaijian upang maibahagi ang mga biyayang patuloy niyang natatanggap. Ito na rin ang natatanging paraan niya upang magpasalamat sa mga bata’t mga magulang na walang patid na sumusubaybay sa May Bukas Pa.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sa http://maybukaspaonline.multiply.com.

Premyadong Magazine Publisher Nasa Life And Style

Hindi akalain ni Sari Yap na magiging mata­gumpay ang binuksan niyang publishing house noong taong 1991 na ang panganay ay ang kauna-unahang glossy magazine na Mega.

Panauhin si Ms. Yap ngayong Linggo sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng QTV alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga at iisa-isahin ng host-producer na si Mother Ricky Reyes ang maraming karangalang tinanggap ng matalinong babaeng ito na kabilang ang pagkakatampok sa Marquis Who’s Who in the Publication World 2006 at award for Outstanding Journalism nung 1999 na iginawad ng Austrialia-New Zeland Chamber of Commerce.

Ngayo’y ’di lang Mega kundi sampu pang magazine ang pina-publish ni Ms. Yap.

Tutok lang sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes para malaman kung ano ang inspirasyon at katangi-tanging talento ni Sari para maabot ang tugatog ng tagumpay.

Sa Search for TESDA Idol ay ipakikilala ng host na si Buboy Syjuco ang huling apat na kalahok.

Isasadula ang buhay nina Peter M. Guimare ng Region XI-Davao City; Janice E. Reyes, Region XII-Kidapawan City; Raul B. Samson, CAR-Baguio City; at Alia Alega, Caraga-Butuan City na kapupu­lutan ng inspirasyon.

Tutok lang sa kakaibang reality contest dahil malapit nang ihayag kung sino ang mag­wawagi ng titulo at malalaking premyo mula kay Tito Buboy.

Dagsa naman ang pagtawag sa programa ng mga nagnanais maging modelo sa make-over segment na Great Hair Day na mismong si Mother Ricky ang nagtuturo linggu-linggo ng bagong paraan nang pagpa­paganda kaya inaabangan din ng mga haird­ressers sa bansa.

Dabarkada Nasa Power Of 10

Ang mga Dabarkada natin sa Eat Bulaga na sina Julia Clarete at Toni Rose Gayda ang haharap sa hamon ng sampung milyong piso.

Tiyak na mawiwindang ang dalawa sa mga nakakalokang tanong sa aming ginawang survey… gaya ng “Ilang porsyento ng mga Pilipino ang nakapatay na ng tao sa kanilang isip?”

Sa 2nd set, ang dalawang Celebrity power players na sina DJ Mo Twister at ang sexyc omedienne na si Maureen Larrazabal ang maghaharap sa elimination round.

Isa na kaya sa apat na celebrity power players na ito ang mag-uuwi ng sampung milyong piso?

Find out this Sunday sa Power of 10 after Kap’s Amazing Stories.


Show comments