And I Love... Mapapanood sa Internet

MANILA, Philippines - Nagsanib pwersa muli ang ABS-CBN Interactive at Star Cinema para sa kauna-unahang online streaming ng isang local film. Sa isang buong linggo, ipapalabas ang And I Love You So Worldwide Online Premiere simula Agosto 28 (Friday) hanggang September 4, 2009.

Sa kanilang kagustuhang maibahagi ang kuwento ni Lara sa mas maraming Pilipino sa buong mundo, kahit sino ay puwede nang mapanood ang buong pelikula sa pamamagitan lang ng pag-log on sa http://starcinema.com.ph. Matatagpuan din sa website ang iba pang detalye tungkol sa pinaka-unang online screening kasama na ang links ng abs-cbn.com <http://abs-cbn.com> , tfcnow.com <http://tfcnow.com> at teamkapamilya multiply sites.

Nakilala sa industriya ang Star Cinema, ang premiere film production company ng bansa, sa mga primyado at de kalidad na pelikula at sa kanilang pinakabagong pelikula - And I Love You So - yayanigin ng film production ng ABS-CBN ang puso ng mga manonood sa makaantig-damdaming istorya ng isang biyuda na dumadaan sa proseso ng pagpapatuloy ng kanyang buhay mula sa pagkawala ng kanyang asawa. Bida si Bea Alonzo.

Show comments