Pambato ng 'Pinas umarangkada sa Miss U

MANILA, Philippines - Nagkukuwento ang isang aktor sa ilang kaibigan na kinausap siya ng isang manager para tanungin tungkol sa kuwento na nali-link siya sa kapwa aktor.

In his face, tinanong daw siya ng manager kung anong real score between them.

Sabi ni aktor, hindi raw ‘yun totoo.

Pero sabi naman ng isang nakarinig sa kuwento ng aktor, ang hirap mag-deny dahil minsan ay nasangkot sa isang aksidente ang dalawang aktor.

* * *

Bukas na (Manila time) ang pinaka-hihintay na Miss Universe.

Umarangkada na ang pambato ng Pilipinas na si Bianca Manalo sa pre-pageant night ng Miss Universe pero sapat na nga ba ito para maiuwi niya ang korona?

Tunghayan ang mga kaganapan at alamin ang kasagutan sa inaabangang Miss Universe 2009 pageant live via satellite sa Bahamas ngayong Lunes (Aug. 24), 9:30 ng umaga, sa ABS-CBN.

Napahanga ni Bianca ang mga manonood nang ipamalas niya ang kanyang napakaseksing hubog ng katawan sa isinagawang swimsuit competition sa Miss Universe pre-pageant noong Martes. Hindi rin nagpahuli ang 22 taong gulang na flight stewardess sa evening gown portion ng inirampa niya ang isang aqua blue gown na dinisenyo pa ng isang sikat na Colombian designer.

Talagang early crowd favorite na maituturing si Bianca dahil bukod sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Filipino community sa Bahamas ay pawang papuri rin ang ibinibigay sa kanya ng online community mapa-forums o social networking sites. Ika-pito rin siya sa kandidatang may pinakamataas na ratings base sa online polls na isinasagawa ng opisyal na Miss Universe website.

Noong 1973 at 1969 pa ng huling mauwi ng Pilipinas ang prestihiyosong titulo kaya naman mataas ang pag-asa ng bawat Pilipino na masungkit ng dalaga ang korona mula sa Miss Universe 2008 na si Dayana Mendoza sa gaganaping pageant night sa Atlantis, Paradise Island sa Bahamas kasama sina Access Hollywood co-anchor Billy Bush at Celebrity Apprentice star Claudia Jordan bilang hosts.

Isa ang aktor at producer na si Dean Cain sa napiling miyembro ng international panel at judges na siyang naatasang pumili ng susunod ng mananalo. Nakatakda namang awitin ni Flo Rida ang kanyang hit singles na Right Round at Jump sa swimsuit portion habang sina David Guetta at Kelly Rowland naman ang bibirit sa evening gown portion sa saliw ng kanilang duet na When Love Takes Over.

Para sa karagdagang updates, manatiling nakatutok sa Umagang Kay Ganda, TV Patrol World, Bandila, at ANC kung saan patuloy na inihahatid ni ABS-CBN senior correspondent Dyan Castillejo, na kasalukuyan ng nasa Bahamas, ang pinakasariwang balita kay Bianca at sa naturang patimpalak.

Ito na ang ikatlong taon na ang ABS-CBN ang pinili ng Miss Universe organization para maging eklusibong media partner dito sa Pilipinas. Matatandaang ang Kapamilya Network din ang nagpalabas ng Miss Universe 2004 na ginanap sa Maynila kung saan ng Miss India na si Shusmita Sen ang nag-uwi ng tagumpay.

Huwag palalampasin ang live telecast ng Miss Universe 2009 ngayong Lunes (Aug. 24) sa ganap na 9:30 ng umaga sa ABS-CBN na may primetime telecast sa parehong araw sa Velvet (SkyCable Channel 53) ng 8:00 p.m. Muli itong tunghayan sa Martes (Aug. 25), 8:00 p.m., sa Studio 23 at sa Linggo (Aug. 30), 10 p.m. sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa Velvet sa Aug 25 (Wed), 8:30 p.m. at sa Aug. 29 (Sat), 10 p.m. Isang pre-pageant special din ang matutunghayan sa Ruffa and Ai, 8:30 a.m. kasama sina Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao, at Charlene Gonzales.

Well, goodluck to Bianca. Sana nga ay hindi lang press release ang pagiging popular candidate niya tulad ng mga naunang contestant natin na parating umuuwing walang bitbit na korona.

Show comments