Natuwa ang mga nakakita nang magbatian sina Iza Calzado at Sunshine Dizon nang mag-abot sa rehearsal ng Dantes Peak, ang birthday special ni Dingdong Dantes na mapapanood sa SNBO timeslot ng GMA-7 sa August 30.
Dalawa sina Iza at Sunshine sa maraming guests sa birthday special ni Dingdong at habang nasa stage si Iza at naghihintay ng cue para sa kanyang dance number, lumapit si Sunshine, bumati at bumeso sa kaibigan.
Nagulat daw si Iza, pero gumanti ng bati kay Sunshine at nakita ‘yun ng staff na natuwa’t matitigil na ang tsikang may away sila. Narinig din ng staff na hindi na tinanggap ng dalawa ang pagso-sorry ng bawat isa, kumbaga quits na sila at sana, wala ng maging isyu.
Samantala, formal na ang pagiging endorser nina Sunshine at Alfred Vargas ng Calayan Surgicenter nang ipakilala sila ni Dr. Manny Calayan sa press. Ang I.V. White Treatment ang ini-endorse ng actor at lipo treatment ang kay Sunshine.
* * *
Directed ng mag-asawang Mark at Lee Meily ang bagong TVC ni Cesar Montano ng Mega Sardines na may tag line na Tatak Puso, Para sa Puso at pinapaalam ang benefits ng Omega 3. Galing daw ang concept ng TVC sa dialogue ni Mark Lapid sa isang pelikula niyang mabuti pa ang saging, may puso.
Sabi ni Mega Sardines owner Mr. William Tiu Lim, ang concern lang ni Cesar bago tanggaping maging endorser ng sardines ay hindi ito malansa. Nang mapatunayang good quality ang produkto, ang sinasabi nito ngayon ay “ang isda namin, galing sa puso.”
Samantala, bukod kay Piolo Pascual, interesado rin si Cesar na gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Ninoy Aquino. Nabanggit na raw niya ito kay Mrs. Cory Aquino noong 2006 pa at pumayag ito. Ang CM Films niya ang magpo-produce at si Marilou Diaz-Abaya ang director.
Gagawin din ni Cesar ang life story ni Francisco Dagohoy under his productions at siya rin ang director at bida. Uunahin niya itong gawin at kundi sa December ay early next year ang playdate at saka, isusunod ang version nila ni direk Marilou ng bio-flick ni Ninoy.
* * *
Kinukuha raw endorser ng Folded & Hung si Judy Ann Santos, pero nag-aalangan itong tanggapin dahil kay Claudine Barretto na endoser din ng clothing line kasama ni Angel Locsin. Puwedeng-puwede niyang tanggapin ang offer dahil tapos na ang kontrata niya sa For Me at si Charlene Gonzalez na ang endorser nito.
Saka, hindi naman yata papalitan ni Judy Ann sina Claudine at Angel, idadagdag lang siya, kaya walang masama kung tatanggapin niya ang offer na maging endorser ng F&H. Tiyak na marami ang matutuwa ‘pag nagkasama uli sina Judy Ann at Claudine sa pag-i-endorse ng iisang produkto after Pantene shampoo.
* * *
Binakuran ni Mart Escudero si Jennica Garcia sa birthday party ni Marian Rivera at mula nang dumating ang dalaga sa party, hindi na iniwan ng young actor. Kahit saan pumunta si Jennica, nakasunod siya na laging nakaalalay.
Itinanggi ni Jennica na sila na uli ni Mart at ganu’n din ang sinabi ng young actor, pero nanliligaw daw uli siya sa ex-GF. Nagmamalaki pang sinabi ni Mart na ang sexy-sexy ni Jennica sa suot na mini-skirt tube dress.
* * *
Sa part two ng Karibal episode ng Dear Friend, dahil sobrang selosa, nag-break sina Cheska (Jennylyn Mercado) at Darrell (Wendell Ramos). Naging daan ‘yun para maging malapit ang binata at Claire (Jean Garcia), mas nakakapag-usap at mas nagkaka-intindihan sila.
Hindi matanggap ni Claire na may feelings siya kay Darrell na vocal na gusto ang nanay ng ex. Hanggang kailan mapipigilan ni Claire ang sarili?