MANILA, Philippines - Napapanood na ang galing ng bagong hinahangaang ASAP Sessionistas tuwing Linggo sa ABS-CBN pero iba siyempre kapag big band na at live na live sa malaking venue. Kaya matutuwa ang mga fans dahil sa Aug. 28, sa Big Dome ang mga favorite sessionists natin!
Naghahanda na ng mga kakaibang production numbers sina Nina, MYMP, Duncan Ramos, Richard Poon, Sitti, at Aiza Seguerra para sa unang bonggang konsiyerto ng grupo.
Ito ang pinakamalaking jamming event ngayong taon, sabi ng ASAP Live at MJM productions, dahil marami nga namang achievements ang mga local singers kahit sa abroad.
Bawat isa ay may kanya-kanyang istilo at galing, bukod pa sa mga certified hits nila.
Para sa ibang impormasyon, i-check ang www.abs-cbn.com o ang http://asaplive.multiply.com.