Bayad ang mga utang! Aktres sinagip ng madatung na estranghero

Kakamut-kamot ang ulo na lang na inoohan ni AiAi delas Alas ang limang araw na pagsu-shoot ng pelikula nila ni dating Pangulong Erap Estrada sa General Santos City.

And why there? Kasama rin pala sa cast si Mommy Dionisia (ina ni Manny Pacquiao). At tulad ng kanyang nakagawian ng panata, anim na buwan mula bawat laban ng kanyang anak ay naglalagi lang siya sa GenSan, walang luwasan ng Maynila.

Para kay AiAi, malaking sakripisyo rin ang five-day shoot na iyon sa dami ng maiiwanang trabaho sa Manila.

“Diyos ko, as if naman may choice ako, ’no! Hay, naku, nakakaloka talaga si Mommy Dionisia!” maluka-luka ring sey ng komedyana.

* * *

Unsolicited advice: Think twice (or even more), Senator Manny Villar.

Hindi ikinakaila ng mambabatas na kasado na ang kanyang planong tumakbo sa pagka-pangulo pero ang iwelkam niya sa kanyang senatorial line up si Willie Revillame, na nabalita kamakailan, should be given a serious thought.

No doubt, may epekto ito sa ambisyon ng senador sa gitna ng negatibong imahe ngayon ni Willie, baka dito pa siya masilat.

Mabuti na lang at itinanggi pala ito ni Sen. Manny, wala siyang kaalam-alam na may balitang kakandidatong senador si Willie.

* * *

To grace the grand opening today of Piandre Salon on Scout Esguerra ay ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Kung hindi ako nagkakamali, this is their third public appearance together since they got married. Obviously, higit pa sa napapanatili nilang good grooming ang magkakainteres sa dadalong press, kundi nakapuro na nga ba ang “good groom” sa kanyang bride?

* * *

Hindi naman pala totally jobless ang kontrobersyal na aktres na ito nang makaladkad sa isyung nagmistulang of national interest. Totoong hindi mabilang ang kanyang unrealized income, milyones ito kung tutuusin, at the height of the scandal.

Pero may isa raw mabait na kaluluwa ang basta na lang sumulpot out of nowhere, binigyan umano siya ng datung na siya namang ipinangtawid ng aktres sa kanyang hinuhulugang bahay at ibang mga bayarin.

Yes, hindi po ito kamag-anak o kakilala ng aktres, kundi isang estranghero na hulog ng langit. Lalaki po ang good samaritan na ito, masalapi’t pilantropo.

Hindi ko nga lang naimbestigahan kung ang pagtulong bang iyon ng benefactor ay may kalakip na “kapalit factor.”

Show comments