Paninira ng alipores ni Willie Revillame tinatawanan lang ni Joey de Leon

Tinawanan lang ni Joey de Leon ang ini-email na tula at inilathala ng isang kolumnista (not here in PSN) laban sa kanya bilang pagtatanggol kay Willie Revillame.

May binanggit pa kasi ang sender na kasong kinasangkutan nila noon nina Vic Sotto at Richie D’Horsie involving Pepsi Paloma (SLN).

“Kung noon nga, eh, tinawanan lang namin ni Vic ‘yung ‘rape case’ laban sa amin, ngayon pa ba ako maaapektuhan ng e-mail na ‘yon? Sino ba ang sumulat, di ba, sa kampo ni Willie. Wala silang ibang matira, kaya ako naman ang pinagdidiskitahan nila,” sey ng aking smoking partner.

Samantala, ngingisi-ngisi rin lang si Tito Joey habang pinanonood ang interview kay Gladys Guevarra, Eat Bulaga’s once prodigal daughter na nagpaplanong muling bumalik sa naturang noontime show.

Niliwanag naman ni Gladys na bubusina muna siya sa mga kinauukulan kung tatanggapin pa siyang muli. Sa puntong ‘yon na gumuhit ang makahulugang ngisi ni Tito Joey.

Speaking for Malou Choa-Fagar, doors are far from opening for the returning host-comedienne. Short of saying, huwag nang mangahas si Gladys na mag-reapply sa EB because the answer is a flat no.

* * *

Hati ang opinyon ng publiko tungkol sa pagge-guest ng live ni Annabelle Rama sa Startalk only to get back at her enemy, si Ms. Wilma Galvante na Senior Vice President for Entertaintment TV pa mandin ng GMA 7.

Paano raw pinalusot ‘yon ng mismong lady executive when it’s common knowledge that Tita Annabelle is like a loose cannon when agitated? Hayun nga’t tinawag ang lady boss na “sinungaling,” “makapal ang mukha,” “manunulot ng kanyang alaga,” worse, ang panawagan nitong magbitiw na ito sa kanyang tungkulin.

Pero sa isang banda, ipinaliwanag din ni Ma’am Wilma na pinahintulutan ang guesting na ‘yon ni Tita A upang hindi nito sabihing hinaharang ang kalayaang ilahad ang kanyang panig.

Dahil ibinasura nga ng mababang hukom ang kasong grave oral defamation ng ina ni Richard Gutierrez, ngayong araw, Lunes ito maghahain ng motion for reconsideration, which means they will have to wait again for the court decision.

Sana nga’y ipaubaya na ang kaso sa husgado sa halip na maulit na naman ang “panggigisa” ni Tita Annabelle kay Ma’am Wilma sa sarili nitong mantika right in her own turf.

* * *

Atat na atat na pala ang buong cast ng isang TV sitcom na matapos na sana ang kanilang palabas as they are no longer excited in their project themselves. Sa katunayan, mas pinanonood pa pala nila ang katapat nilang programa.

At du’n sila mas “naaadik,” need I say more?

Show comments