Personal palang pinili ni Kris Aquino ang kanyang direktor sa kanyang mga game shows na si Bobet Vidanes para hawakan ang funeral coverage sa Manila Cathedral ng kanyang yumaong ina.
Hindi naman nagdalawang-isip ang direktor at agad tinanggap ang pakiusap nang nagluluksang katrabaho at kaibigan.
“More than doing a friend a favor, this is our last chance na makapag-thank you kami kay Pangulong Cory. This is the last time na makakapag-serve kami sa kanya dahil hindi na namin siya makakatrabaho kahit kailan,” sabi ni Bobet.
Kasama ang kanyang mga Kapamilya sa game show unit sa pamamahala ni Business Unit Head Alou Almaden, agad silang tumugon sa tawag ng tungkulin at bumuo ng dekalidad na produksiyong nararapat para sa isang babaeng pinagkakautangan ng loob ng buong ABS-CBN at itunuturing na ina ng demokrasya.
Mula sa ilaw, anggulo ng camera, atbp, mabusisi itong kinilatis ni Bobet at itinayo ang produksyon sa loob lamang ng isang araw.
“Very challenging yung set-up namin. We actually have two days to set-up but because merong other events sa simbahan tulad ng kasal, etc. More or less 24 hours lang nagamit namin to mount everything,” kuwento ni Bobet at Alou.
Nakipagtulungan din ang grupo ng ASAP sa kanila sa pamumuno ni Business Unit Head Joyce Liquicia sa pag-aayos ng programa kung saan nilahukan ito ng mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Erik Santos, Jed Madela, Rachelle Ann Go, Christian Bautista at Zsa Zsa Padilla at iba pang batikang mang-aawit tulad nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Martin Nievera, Dulce, Ogie Alcasid, APO Hiking Society, Ivy Violan, Kuh Ledesma, Aiza Seguerra, at Jose Mari Chan— mga mang-aawit na personal na pinili ng Aquino family.
Mula sa Manila Cathedral ay umariba naman ang ABS-CBN News team na siyang naghatid ng mga balita sa mga kalsada hanggang sa dumating ang labi ni Pres. Cory sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park.
Bago pa man ang libing ay namamayagpag na ang ABS-CBN News sa pagbibigay ng eksklusibong updates tulad ng mga kaganapan sa loob ng sinasakyang coaster ng mga Aquino papuntang La Salle Greenhills na inulat ni Jing Castañeda, at ang inisyal na reaksyon ni Hillary Clinton matapos mismong si ABS-CBN North America Bureau Chief Ging Reyes ang unang nagbalita sa kanya ng pagkamatay ng kinikilalang democracy icon.
Pagdating naman sa radyo, walang patid din ang pagsasahimpapawid ng mga balita sa DZMM Radyo Patrol 630.
Sa rami ng nagbigay papuri sa text at sa internet, hindi maipaliwanag ang sayang nadarama nina Bobet at lahat ng nagtrabaho sa likod ng naturang coverage.
“I think naibigay namin ng tama yung nararapat na pagbibigay-pugay kay Pangulong Cory and kung napapanood ni madame yun, I’m sure matutuwa siya,” sabi ni Bobet.
“It’s a privilege and honor for all of us to be part of this. I personally feel honored and proud to be a Filipino and to be part of ABS-CBN,” dagdag naman ni Business Unit Head Alou Almaden.
“I feel very honored to be given this chance. Dito nabigyang buhay ang slogan ng ABS- In the Service of the Filipinos Worldwide. At personally, naramdaman ko ang mas malalim na meaning nito – In the service of a TRUE Filipino, si Madame Cory”, ayon sa batikang director na si Bobet Vidanes.
Ang buong coverage ay isinagawa sa ilalim ni ABS-CBN Channel 2 head na si Cory Vidanes. Para sa mga nais muling masaksihan ang makasaysayang kaganapang ito, abangan ang nilulutong DVD compilation ng Salamat Pres. Cory.
* * *
Mula nang ipakilala sa publiko ang beauty and brains na si Carla Abellana bilang Rosalinda ay parang kabuteng nagsulputan na ang kanyang mga fans club di lang sa Metro Manila kungdi pati sa Luzon, Bisaya at Mindanao.
Napakaamo ng magandang mukha ng dalagang may dugong-showbiz na nananalaytay sa kanyang mga ugat. Ang kanyang ama’y ang aktor na si Rey PJ Abellana at ang ina’y si Rea Reyes na anak naman ng seasoned actress ng LVN Pictures na si Ms. Delia Razon.
Nagulat ang cast, staff and crew ng Rosalinda nang dumating sa kanilang set ang beauty gurung si Ricky Reyes. Ang tsikahan nina Mother Ricky at Carla ay mapapanood sa Life and Style With Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11. Tutok lang sa programa dahil tampok ang personal na buhay, scholastic achievements, beauty secret at career plan ng ating si Rosalinda.